|
Post by rsmagtarayo on Nov 29, 2008 8:40:35 GMT 8
Sa kasalukuyan, ang buong mundo ay naalarma dahil sa nagaganap na Global Financial Crisis kung saan ang bawat isa sa atin ay apektado na. Maraming mga kumpanya sa buong mundo ang nagsasara o di naman kaya ay napipilitan na magtanggal ng mga empleyado. Ilan sa mga kababayan nating OFW sa Saudi Arabia ay napauwi na dahil sa nagaganap na malawakang pagbabawas ng mga empleyado.
Dito sa amin sa Dubai, UAE, maraming hotel na sana ay nakatakdang magbubukas ay nagkaroon ng delay. Ilang mga kumpanya ay napilitang mag freeze-hiring at naging matumal ang mga negosyo. Dyan ba???
Ano ang nararapat nating gawin upang makatulong at malampasan ang nagaganap na krisis??
|
|
|
Post by Mannie D on Dec 11, 2008 13:27:35 GMT 8
Hi good day!
Your topic is very interesting, I seldom visit this site but I make sure I take a peek once I'm not that loaded at work. I was surprised to see a very sensitive issue involving our current economic situation and maybe by the help of this forum, we can all have a view of the global economy which is experiencing a financial crunch.
It all started when the US subprime crisis took it's toll a couple of years back, and sad to say here in the Phils, what we're seeing is only the tip of the iceberg, we have yet to experience the full impact of these crisis. We will not be spared come 2009, we will be seeing larger volumes of unemployment and decline in our growth.
We will likewise be watching companies coming from different industries, fold one after another. More OFW's will be returning home with no clear signals of when and if they wil be able to return to their work abroad.
The transition of the newly elected US president by January will not be our saving grace either, coz the problem remains the same and it will take a couple of years or more before we see and experience a turn around in the global economy.
Here in the Phils, however, will take more than that time frame, the big issue here is the political concerns, CHACHA, corruptions, poverty, the growing subdivisions of political parties, etc. In short, wala po pagkakaisa dito sa Pinas. Its time to re-group, discuss serious matters, let's save our dying economy. How? Be more industrious, be more productive, patronize our local products, kasi po mahina ang pag eexport ng mga ito sa panahon ngayon kaya dapat po tayo na ang tumangkilik sa mga ito para di mawalan ng trabaho ang mga tao.
It is a given, that our economy is headed for a slowdown but the cure must come from within us Filipinos. Try to spend like the way you used to spend, maybe you can save (as if meron pang mase-save), but try not to save too much. Baka po pag puro pag save ang gagawin natin, eh, wala na tayo mabili pag gusto na natin gumastos, kasi, itinago lang natin ang pera instead of using it to make economic activity.
Personally, I'm doing that. Kasi mas takot ako mawalan ng work kaysa gumastos.
Please share your views re this topic. I'm not saying na tama lahat ng sinabi ko, ito lang po ang basa ko sa situation ngayon and I'm sure mas madami pa kayo views to tell.
Till then.
|
|
|
Post by Uncle Sam on Dec 16, 2008 12:45:49 GMT 8
Gandang araw po. Meron lang akong napuna sa forum na ito. hehehe, wag sana ikagagalit ng iba.
Maganda ang topic na ito ukol sa pandaigdigang krisis, nakakatakot man isipin pero totoo at posibleng mangyari ang sinabi ng author at ng respondent. Kaya lang nakakapagtaka lang eh, bakit ang isang issue na ganito ay nilalangaw at tila wala gustong sumagot o magbigay ng kanilang views.
Samantalang ang ibang topic na di naman gaano ka importante ay hitik sa replies, halimbawa na lang ang topic ukol sa mga jokes.
Nasan na ang mga estudyante, mga professionals, guro, mga opisyal ng lokal na pamahalaan? Kayo dapat ang nangunguna sa pagbibigay ng mga views nyo para sa ming mga matatanda na at wala na sa sirkulisasyon, mga lipas na, ika nga.
bigyan natin ng importansya ang ganitong uri ng mga issue. Makakatulong ito sa tin. Maximize natin ang forum na ito para sa mga ganitong uri ng topics, very informative at up to date.
Suggestion lang din sa ibang nagpopost dito, tulad na lang ng respondent na si Mannie D., napakaganda ng iyong post ngunit sa susunod po, gamitan natin ng mga wika o salitang madaling maiintindihan ng mga readers natin. Ano po ba yung US sub-prime crisis, financial crunch? Bigyan nyo pa po kami ng mas simpleng analysis po ninyo Sir Mannie D. Guro po ba kayo? Economista? Student? Opisyal ng pamahalaan?
Ewan ko po sa iba, pero ako po ay maghihintay ng inyong kasagutan at iba pang mga karagdagang ulat ukol sa krisis na nagaganap ngayon sa buong mundo.
Salamat po ng marami.
|
|
|
Post by rsmagtarayo on Dec 18, 2008 6:20:45 GMT 8
Maraming salamat Mannie D at Uncle Sam sa mga reply nyo sa posting ko.
Totoo nga na napakaseryoso ng isyu na tinalakay ko at nakakalungkot nga na iilan lang ang nagbigay ng kanilang mga opinyon. Gayunpaman, masaya ako dahil sa napakasimpleng paraan ay naipabatid ko sa mga tao ang tunay na nagaganap sa ating mundo..
Nangangalap pa ako ng ilang mga kaganapan dito sa Dubai para maibahagi ko sa inyong lahat.
|
|
|
Post by Mannie D on Dec 18, 2008 9:24:51 GMT 8
Good Thurs morning, rsmagatarayo.
Ganda sana talaga kung dadami ang magbibigay ng views nila dito, kasi I'm sure na yung post ko ay sakop lamang ang aking kaalaman. Yun nga sir ang puropose ng forum na ito, to share their views, kaya lang mejo konti pa lang respondetns natin. I love discussing issues like this one, kasi this are the things that we don't learn sa school, kumbaga, hands on na ito eh, and we nid this informations to apply to our everyday lives.
And to Uncle Sam, pasensya na kung mejo malabo yung unang post ko. Rest assured, next time, Ill be using more understandable language.
To add more to what I've posted recently.
US FED (eto po yung central bank ng US) is doing all they can to help ease the financial crisis, afterall, sa kanila naman nagsimula yun eh, kasi nga they have the biggest economy, and you know what happens pag masyado ka na mataas, yes, babagsak ka. What goes up, must come down, ika nga.
And clearly, after each rain is the sun. Meaning, eto pong nararanasan natin krisis ngayon ay meron din katapusan. Cycle lang po ito. In Economics, there are four (4) stages wherein a country goes thru, una po ay yung EXPANSION, dito po Ok pa ang lahat, dami work, everybody happy.
Then comes the PEAK, eto na po yung pinaka mataas na level na pwede maabot ng economy ng isang bansa, and after the peak is the RECCESSION, which what we are experiencing right now, mahirap ang buhay, laki level of unemployment. And after the reccession, is the TROUGH, this is where everything is recovering.
So don't despair, all is not lost for all of us. Mejo cautious lang tayo dapat ngayon and for hose who say that this Xmas is the bleakest, well, actually hindi po cya bleakest, eto po yung GLOOMIEST XMAS. So let Xmas Day pass, bawi na lang tayo next year, hopefully, makarecover na tayo by then kahit konti lang.
|
|
|
Post by hirolionheart on Dec 18, 2008 10:38:42 GMT 8
^^^ Yan ay dahil karamihan sa mga members ng Batangsanmateo ay mga estudyante pa lamang at abala pa sa pag-aaral kaya hindi pa sila ganun ka-mulat at ka-concern sa kapaligirang kanilang ginagalawan..., at ang nakakalungkot, yung iba wala talagang pakialam... Nice explanation! Naniniwala rin akong makakaahon ulit ang kalagayang ekonomiya ng buong mundo Pero sa napapansin ko ngayon sa Pilipinas, parang wala lang..., marami pa rin ang mga nasa mall, namamasyal, namimili, at bakas pa rin ang ngiti sa mga Pilipino sa kabila ng kahirapan ng buhay lalo ngayong panahon ng Kapaskuhan
|
|
|
Post by Mannie D on Dec 18, 2008 11:10:05 GMT 8
Rightly said hirolionheart, you can see smiles everywhere, kaya lang just like i ponted out previously, the full impact of the Global Crisis will be felt here in the Phils come 2009, wala pa itong nararanasan natin ngayon, kurot pa lang to.
Actually, ngayon pa lang nagsasara ang mga maraming kumpanya worldwide kung saan madaming employees ay Pinoy, kaya pag uwi nila dito sa pInas ay meron pa silang dalang mga pera na nakuha nila sa separation pay nila, pero di nun kaya sustain ang needs ng family in the long run.
Yes the youth seems to be unmindful of whats happening kasi di naman sila ang nagtatrabaho eh, yung mga parents nila. Try to ask their parents bout their current status nowadays and I'm sure they wont give you a positive answer.
Kaya sa mga kabataan, sana maintindihan din nila na di madali ang buhay ngayon. Try to cut your expenses and even your allowances to help your parents.
Pansamantala lang lahat to, as Ive said, cycle lang to. Everything will be put back in place soon.
|
|
|
Post by stephanie on Dec 19, 2008 14:45:07 GMT 8
Hi. Nice thread here, very intereseting. Its been a while since I've read an issue with so much information that tackles the real life. I'm no genius in the field of economics and global politics but this thread really caught my attention and I share the same feelings of the respondents and of the author. It makes me quiver with fear after reading and digesting what you've guys just wrote.
Does is really have to be this way, I mean, are the hard times really have yet to come. What will happen next? Who will be on top when all of these scenarios prevail? More enlightenment please sirs.
Mannie D., I admire your well knowing of situations around the globe, which makes me think to read more of the headline news instead of showbiz and other lighter sides of the print ads. I'm a business woman who is now aware of the situation and is now more cautious. Is it really true that spending will help? Please elaborate more....i'll be waiting sir.
Tnx.
I would likewise wish to invite more respondents to this issue, kahit na po yung very simple lang na views, coz this little things when pathced together will have a big outcome for all of us. Please, give your thoughts, afterall, this is what this forum is for , right?
|
|
|
Post by Maharlika on Dec 25, 2008 6:10:46 GMT 8
Maraming Retailer Store sa America ang mag-sasara early next year karamihan sa mga ito produktong damit galing sa Pinas ang ibinebenta ibig sabihin ang mga kompanya ay hindi muna bibili ng produkto at dahil dito apektado ang mga kompanyang nag-luluwas (exporter) ng paninda sa America. Maraming mawawalan ng trabaho sa pabrika. Maraming magugutom. Wala namang stimulus packages ang gobyerno para sa mga trabahador na mawawalan ng trabaho. Sa taas ng bilihin ngayon maraming pamilya ang hindi kumakain ng tatlong beses isang araw. Ang ugat ng financial crisis sa buong mundo ay "greed". Ayon sa Mirrriam-Webster Dictionery; greed is acquisitive or selfish desire beyond reason. Pagnanasa, gahaman para pansariling kapakanan kahit hindi tama. Halimbawa malalaking financial institution na ang negosyo ay pag-papautang. Pautang ng pautang at dahil masarap mangutang kaliwat kanan hindi alintana ang mataas na tubo hindi naman mabayaran. Ang mga kompanyang ito ay nakabase sa America at ang kanilang network sakop ang buong mundo. Ang mga CEO ng mga kompanyang ito ay milyones ang suweldo hindi pa kasama ang kanilang mga bonus. Saan nila kukunin ang kanilang mga suweldo, operating at miscellaneous expenses at kung wala namang nakakabayad. Pinag-uusapan dito ay milyones at bilyones na pautang galing sa malalaking kompya na inuutang ng maraming kompanya (middle man) at pinauutang sa mga consumer. Mga credit card company maraming consumer ang hindi nakakabayad? Kung hindi sila makasisingil ano ang ibabayad nila sa mother company. Para manatili ang middle man sa kanilang operation patuloy silang mangungutang sa mother company at dahil global ang kanilang network mahirap imonitor ang kanilang mga losses at kita. Patuloy ang issue ng credit line wala na palang pondo ang kompanya. Maraming kompanya ang humihingi ng tulong (utang, tawag nila vail out) sa gobyerno ngayon. Karamihan sa mga CEO ay iniimbistigahan kung paano nalugi ang kompanya ilan sa mga ito ay nakakulong na at kahapon (12-23-08) balita isang CEO nagpakamatay dahil bilyong dolyar lugi ng kompanya dahil sa Ponzi Scheme. AIG isang mortgage company base sa Amerika siyang may-ari ng Pacific Life sa Pinas, ibinebenta ang Pacific Life para makabayad ng utang (vail out) sa gobyerno. Kung policy holder ka pwede kang kabahan. Bagsak din ang presyo ng mga damit sa malalaking department store sa Amerika dahil walang masyadong namimili. Inilalaan nila ang kanilang mga pera sa darating na krisis. Mga balikbayan ba-bakasyon galing sa ibat ibang bansa para makapiling ang mahal sa buhay sa Pinas siguro sila ang mga big spender ngayon dala ang dolyar at credit card. Mabuti ito para sa economy ng Pinas at bago sila bumalik sa kanilang trabaho sa ibang bansa sa Pinas na rin sila bumili ng bagong damit, mura na kalidad pa. At kung San Mateo ka babakasyon bumili ka na rin ng Sapatos sa Glenmore at sa maliliit na factory sa tabi-tabi. Masasabi ko hindi pahuhuli ang gawang San Mateo sa mga sapatos na mabibili mo sa Amerika.
|
|
|
Post by Sabungero db1 on Dec 26, 2008 16:52:28 GMT 8
bago pa man pumutok ang global crisis na yan, marami na sa ating mga mamamayan ang dumaranas nyan, kaya sa aking panananaw, asikasuhin ko na lang muna ang aking PERSONAL ECONOMIC CRISIS bago ako pumunta ng Global issue na yan. Alam kong ang gobyerno naman natin ay gumagawa ng paraan para malunasan ang problemang ito para sa ating bansa. pasensya na sa aking simpleng pananaw. maraming salamat.
|
|
|
Post by Coconut on Dec 27, 2008 3:05:42 GMT 8
Doon sa mga OFW na bago pa lang na napauwi dahil nagsara ang kompanya at kasama sa natanggal dahil sa pag-babawas ng empleyado, lubog sa utang dahil isinanla ang lupa at bahay walang ibayad sa mga pinagkakautangan na kada buwan tumutubo saan sila titira kung ilitin ang kanilang kolateral? Bakit ba napakataas ng placement ng isang placemen agency sa Pinas para makapatrabaho sa ibang bansa? Kung iisipin mo ang government agency ay merong fixed rate para sa proseso ng papeles ng isang aplikante papunta ng ibang bansa para magtrabaho samangtalang ang mga placement agency ay wala Halimbawa na lang isang aplikante ng isang pabrika papuntang Taiwan. Sinisingil sila hanggang isang daang libong piso para sa kanilang placement fee. Samatalang wala naman masyadong gastos ang mga placement agency na ito para paalisin ang mga aplikante. Suwapang kasi ang may-ari ng mga placement agency. Tunay nga ang mayaman lalong yumayaman at ang mahirap lalong nag-hihirap. Bakit nga ba walang insurance ang mga OFW? Walang proteksiyon ang mga taong ito sakaling meron mangyari sa kanila sa ibang bansa. Ang tawag sa kanila ng pamahalaan”mga bagong bayani” sarap pakinggan. Maraming Filipino nakakulong sa ibat-ibang panig ng daigdig, alam natin na aksiyon ang gobyerno kung kontrobersiyal ang kaso. Paano ang hindi kontrobesiyal? Hindi man lang nila sinisilip ang mga presong ito sa kulungan, samantalang ang lalaki ng suweldo ng mga empleyado ng gubyerno sa ibang bansa para tugunan ang pangangailang ng Pinoy. Subukan mong tumawag sa opisina ng konsul halimbawa sa Queeland Australia machine ang sasagot sa iyo at kung meron man sasagot ng telepono hanapin mo ang konsul wala, sasabihin sa iyo “out of the office”. Nasaan ang konsul? Nasa university at nag-aaral. August nag-apply ako ng dual citizenship sa konsul ng California at ang fee ay $50.00 para sa akin sinama ko ang anak ko para meron din papel for dual citizenship siningil ako ng additional $25.00 para sa bata. Ang official receipt ay $50.00 lang samantalang ang ibinayad ko ay $75.00. Masasabi ko kahit saang government office merong pandaraya. Sakit na ito ng Pinoy Nag-email ako sa office ng konsul sa San Francisco akala mo ba sinagot ang tanong ko. Tama ka hindi! Kasuwapanga din ang tawag. Talagang “greed” ang ugat ng krisis.
|
|
|
Post by Sintunado on Dec 27, 2008 3:09:41 GMT 8
Maraming OFW (Overseas Filipino Worker) ang mawawalan ng trabaho lalo na ang mga trabahador ng pabrika. Marami sa kanila matatagal na meron nang ipon, nakapagpundar ng negosyo at nakapagtapos ng pag-aaral ng mga anak. Pagbalik sa Pinas meron silang negosyong aasikasuhin, sa taong meron ipon pwede nilang ilagay sa negosyo at kung meron mga anak, kapatid o pamangkin na merong matatag na trabaho ito ang pag-kakataon para matulungan nila ang tumulong sa kanila makatapos ng pag-aaral. At doon sa mga OFW na nag-paaral ng ng mga anak na walang nakatapos, walang ipon dahil bigay todo ang tulong sa pamilya hindi nagpahalaga sa pera good luck sa inyong lahat.
|
|
|
Post by rsmagtarayo on Jan 4, 2009 8:10:17 GMT 8
Hi sa lahat,
Nakakatuwa namang isipin na padami na ng padami ang mga reply sa thread na sinimulan ko. Nagpapatunay lamang ito na mayroon din tayong pakialam sa mga nangyayari sa ating ekonomiya hindi lamang tungkol sa pulitika at pamumulitika ng ilan nating mga kababayan.
Nais ko lang ibahagi ang isa pa sa nararanasan ko dito sa Dubai. Dahil nga sa recession na naganap ay nag freeze hiring na ang karamihan sa mga kumpanya dito sa Dubai. Gayun din ay nangangailangan ng ibayong pag-iingat ang mga OFW na nagtatrabaho dito dahil naging mas mahigpit na ang mga employer. Naghahanap sila ng mga butas upang makapagbawas sila ng mga empleyado. Simpleng pagkakamali lang ay maaaring maging dahilan ng pagkawala ng mga trabaho ng ating mga kababayang pilipino na halos hindi din nakakapag-ipon dahil hindi nakapaghanda sa pangyayaring ito.
Nais ko din ipabatid sa lahat na matagal na pong ipinag-utos ng ating batas ang paniningil ng "placement fee" sa ating mga kababayan na pinipiling maghanapbuhay sa ibang bansa. Ang mga agency sa Pilipinas ay pinahihintulutan lamang na mangolekta ng pinakamalaking halagang katumbas ng isang buwang sweldo ng OFW na sya namang gagamitin na pang-proseso ng papeles sa OWWA at POEA. Kung meron kayong alam na agency na naniningil ng mas mahigit pa dito ay maaari nyong ireklamo sa POEA.
|
|
|
Post by dolares on Jan 23, 2009 16:32:31 GMT 8
Magandang topic nga ito, KUNG BIBIGYANG PANSIN. Dapat sa ganitong mga isue ay mayroong public forum ang ating mga opisyales kung saan magbibigay sila ng kanilang mungkahi sa seryosong isue na ito. Akoy matanda na, sana man lamang ay gawin nila ito para sa mga kabataan, upang mamulat sila sa totoong nangyayari sa ating mundo.
Marahil madami sa ating mga kababayan sa San Mateo ang walang pakialam dito, sapagkat sa kanila, walang krisis, bastat may sabong.
|
|