Post by Pldo A Co on Nov 12, 2008 12:00:50 GMT 8
Gandang araw. Nais ko sana iparating sa mga kinauukulan sa pamamagitan ng forum na ito ang hinanaing ng aming grupo na ipatupad muli ang curfew sa ating bayan.
Kami ay nakatira sa New San Mateo subd sa Guitnangbayan. Sa kasamaang palad, napakaraming mga drug addicts sa aming lugar pero wala man lamang aksyon na ginagawa ang ating lokal na pamahalaan. Ni wala ka nga makikitang brgy tanod man lang na rumuronda sa gabi, kaya naman napakalaya ng mga kabataan na gawin nila ang mga bisyong di maganda.
Madalas mabulabog ang aming tulog kapag hatinggabi, andyan na ang malalakas na pagpapatugtog ng mga radyo nila sa kalye, napakarami nila lalo na kapag lumalalim na ang gabi. Di sila natatakot na makita sila ng mga tao na humihithit ng marijuana at rugby sa kalye. At syempre pa, nagtatago sila sa madidilim na parte ng subd kapag shabu na ang ginagamit nila.
Wala silang respeto sa mga mamamayan, wala silang pakialam kung sila ay nakakabulahaw sa mga taong nagpapahinga. At nadagdagan pa ngayon ang kanilang panggagambala, sapagkat, simula nung pumasok ang buwan ng Nobyembre ay wala na silang humpay sa pagpapaputok ng ibat ibang uri ng firecrackers. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit di sila hinahanap ng kanilang mga magulang sa ganung mga alanganing oras ng gabi.
Kaya't naisip ko maglathala ng ganitong suhestyon na ibalik na ang curfew sa ating lugar. Kung di sila hinahanap ng kanilang mga kasambahay, ay ang batas na ang magpapauwi sa kanila.
Sa ganitong paraan, maiiwasan natin ang anu mang sakuna sa mga taong ito pati na din sa mga tao sa paligid nila.
Sana po ay mabigyan ng pansin ito ng ating mga otoridad sa pamumuno ni Kgg na Mayor Paeng Diaz at sampu ng kanyang mga konsehal. malungkot man isipin na kami ay mayroong Home Owners Association na sya na sana ang mangunang sumita sa ganitong mga problema, ngunit, sila ay nagbubulag bulagan at nag bibingi bingihan lamang.
Handa po kaming makipagtulungan sa ating lokal na pamahalaan para sa ikagaganda at ikatatahimik ng ating bayang San Mateo.
Maraming salamat po.