|
Post by Roy on Oct 22, 2008 13:30:13 GMT 8
It hasn't been long since I saw No Parking signs along daangbakal road, it was a brilliant idea to impose such, for it will discipline owners of vehicles not to park within that area to prevent traffic clogs, for this street's definitely busy during daytime.
Kaya lang po as I pass by this road everyday, mukang habang tumatagal, eh, bumabalik sa dati ang dami ng nagpapark dun.
What I noticed is di nawawala ang mga tricycles lalo na pag rush hours, lagi sila nakabara along that road, thinking na yung no parking sign is just over their coconut shells.
Di nila siniseryoso ang batas ng ating pamayanan. Ang nakaktawa pa dun, sila pa ang galit kapag binusinahan mo sila para tumabi. Their vehicles are parked horizontally, at di ayon sa street (i hope you get what i'm trying to illustrate). these tricycles are located between paraiso and ampid (along daangbakal pa din, of course)
Im posting this message with the hope that authorities will give attention to this matter. Di tayo mag iimprove kapag puro ganito ang asal ng mga parokyano natin.
Tulong naman pls para umabot to sa kinauukulan.
|
|
|
Post by batangsanmateo on Oct 22, 2008 22:13:32 GMT 8
Hi Roy, You can visit www.sanmateo.gov.ph and direct your concern to them. I hope this will help.
|
|
|
Post by St. Expeditus on Oct 23, 2008 22:03:47 GMT 8
OFF topic, sir slazh kailang ang uwi mo?
|
|
|
Post by St. Expeditus on Oct 23, 2008 22:05:36 GMT 8
How's BSM right now pala? last fiesta inilagay ko sa tarpauline yung website ng GB1 through batangsanmateo.com nag meeting naba sila ulit? and yung projects and incorporation?
|
|
|
Post by St. Expeditus on Oct 23, 2008 22:06:39 GMT 8
dami ko na pics ng mga projects ng GB1 dito, sana ma send ko sayo then i post natin.
|
|
|
Post by batangsanmateo on Oct 23, 2008 23:12:04 GMT 8
Thank you Expeditus for promoting our website. Just email me the pictures and I will upload it to your barangay website. Im so happy that you included batang san mateo in the tarpaulin. I hope you also took picture of that tarpaulin. Thanks again and nice to hear from you again. Please keep in touch.
|
|
|
Post by St. Expeditus on Oct 24, 2008 9:14:00 GMT 8
here is the picture sir, there are two places where we put the tarpaulin pero isa lang nakuhanan ko.
|
|
|
Post by batangsanmateo on Oct 24, 2008 11:26:53 GMT 8
THANKS A LOT JOMER FOR POSTING BSM IN YOUR TARPAULIN...
|
|
|
Post by paradise on Oct 25, 2008 1:59:56 GMT 8
Roy, Dalawang dahilan; una siguro hindi marunong bumasa ng English pangalawa marunong bumasa hindi naman alam kung ano ang ibig sabihin sa tagalog. Mahirap disiplinahin ang walang pinag-aralan!
|
|
|
Post by paradise on Oct 25, 2008 2:06:58 GMT 8
Ang trend ng iyong subject ay tungkol sa no parking along Daangbakal. Tignan mo ang reply sa iyong trend. Nakakaloko! Tama ba ang aking assumption hindi marunong bumasa at umintindi, hindi lang tricycle driver? Hindi naman lahat siguro, nag-kakamali ako.
|
|
|
Post by St. Expeditus on Oct 25, 2008 12:58:33 GMT 8
OFF topic, sir slazh kailang ang uwi mo? sorry sir, kaya may pasintabi, sino kaya ang hindi marunong umintindi?
|
|
|
Post by Batang Libis on Nov 20, 2008 5:28:35 GMT 8
"Dalawang dahilan; una siguro hindi marunong bumasa ng English pangalawa marunong bumasa hindi naman alam kung ano ang ibig sabihin sa tagalog. Mahirap disiplinahin ang walang pinag-aralan! "
Maaring may pinag-aralan, pero ayaw ipasok sa kukote ang mga nalaman. Pano tayo aasenso nyan?
|
|
|
Post by Roy on Nov 28, 2008 10:14:39 GMT 8
Tama ka dyan Batang Libis, talagang walang asenso sa mga taong di marunong sumunod sa simpleng patakaran.
Nakakahiya man isipin pero kung ikukumpara ang San mateo sa mga karatig pook ay malayo na ang inabot ng mag ito kaysa sa ating bayan. Halimbawa na lang ang Marikina, di bat napakalaki ng ipinagbago ng syudad na ito?
Kaya din natin gawin sa San mateo ang ginawa ng lokal na pamahalaan sa marikina. Nagsisimula lang ito sa mga maliliit na pababago na dapat ay isinasapuso ng bawat mamamayan.
Sa ganitong paraan, ang madaming maliliit na pagbabago any lumalaki ang epekto kapag ipinag sama sama ang mga ito.
|
|
|
Post by hirolionheart on Nov 28, 2008 21:54:04 GMT 8
Tama ka dyan Batang Libis, talagang walang asenso sa mga taong di marunong sumunod sa simpleng patakaran. Nakakahiya man isipin pero kung ikukumpara ang San mateo sa mga karatig pook ay malayo na ang inabot ng mag ito kaysa sa ating bayan. Halimbawa na lang ang Marikina, di bat napakalaki ng ipinagbago ng syudad na ito? Kaya din natin gawin sa San mateo ang ginawa ng lokal na pamahalaan sa marikina. Nagsisimula lang ito sa mga maliliit na pababago na dapat ay isinasapuso ng bawat mamamayan. Sa ganitong paraan, ang madaming maliliit na pagbabago any lumalaki ang epekto kapag ipinag sama sama ang mga ito. Yup, tama naman, pero dapat magkaroon ng pangil ang mga batas na ipinapatupad para sumunod talaga ang mga mamamayan dito hanggang sa madisiplina... Ang Marikina City ay umunlad mula sa pagiging disiplinado ng bawat mamamayan. Nakakalungkot na napag-iiwanan na nila tayo maski ng iba pang karatig-bayan at mga lungsod...
|
|
|
Post by dolares on Jan 23, 2009 16:43:36 GMT 8
Dear author, ningas kugon ang tawag dyan sa kaugalian nating mga pilipino. Sa umpisa lang maayos ang palakad ng mga nakupo sa pamahalaan at pagkatapos ay pabasta na kung magtrabaho.
Ang mga OPSS ay makikita lamang sa hi-way, wala sa mga inner streets, dapat meron din sila mga OPSS dun, like sa daangbakal, dahil maliban sa mga naka park at sagabal sa daang bakal, madami din ditong dumadaan na mga naka motor (single) na:
1. walang helmet 2. mga menor de edad 3. mga angkasan hanggang 4 na tao
Sayang mga OPSS, dami nyo sana mahuhuli dito, sayang, kikita pa naman sana kayo sa lugar na ito.
|
|
|
Post by dolares on Feb 6, 2009 9:34:59 GMT 8
Dear author, ningas kugon ang tawag dyan sa kaugalian nating mga pilipino. Sa umpisa lang maayos ang palakad ng mga nakupo sa pamahalaan at pagkatapos ay pabasta na kung magtrabaho. Ang mga OPSS ay makikita lamang sa hi-way, wala sa mga inner streets, dapat meron din sila mga OPSS dun, like sa daangbakal, dahil maliban sa mga naka park at sagabal sa daang bakal, madami din ditong dumadaan na mga naka motor (single) na: 1. walang helmet 2. mga menor de edad 3. mga angkasan hanggang 4 na tao Sayang mga OPSS, dami nyo sana mahuhuli dito, sayang, kikita pa naman sana kayo sa lugar na ito. Gandang Araw po sa inyong lahat. Based on my recently posted thread regarding OPSS operations, ay nangyari na nga po ang aking kinakatakutan. Di ko alam kun gbatid na ninyo ang nangyaring aksidente sa DB1 kaninang madaling araw, involving minors driving motorcycles. 4 po na menor de edad ang nadisgrasya at 3 ang namatay dito at sa akin gpagkakasabi nuon, ang mga ito ay talamak sa ating lugar, mga kabataang nagmomotor na walang mga helmet, at 3 upto 4 na tao ang sakay. Nakakalungkot tlga isipin na ang mga otoridad ay kikilos lamang kapag nangyari na ang aksidente. Matagal ko na sinisabi dito na paigtingin sana ng ating OPSS at kapulisan ang batas tungkol sa mga motorcycle drivers dito sa San Mateo. Alam ko po na sa alanganing oras nangyari ang aksidente pero ang aking punto ay kung meron tayong batas na umiiral dito sa San Mateo ukol sa mga nagmomotor, ay marahil naiwasan ang ganitong sakuna. Ginagawa po kais nating bisikleta ang mga motor na ito, na parang kahit na sino ay pwede magmaneho. UULITIN KO PO, NAPAKARAMI NG MENOR DE EDAD NA NAGMOMOTOR SA LUGAR NATIN, LALO NA SA DAANGBAKAL. SANA NAMAN AY BIGYANG PANSIN NINYO ANG THREAD KO NA ITO. SA KAKULANH=GAN NG BATAS SA ATIN AY NARAHIL INIISIP NG MGA MAGULANG NA OK LANG ANG GINAGAWA NG MGA KABATAANG ITO. KAILIANGAN PO NATIN NG INFORMATION DISSEMINATION SA MGA MAMAMAYAN NATIN UPANG MALAMAN NILA ANG MGA BATAS TRAPIKO AT BATAS PANGLIPUNAN. SA GANITONG PARAAN AY MATUTUTUNAN NA MISMO NG MGA MAGULANG AT KABATAAN, AT MARAHIL AY KATAKUTAN NA NILA ANG GUMAWA PA NG MGA BAGAY NA IPINAGBABAWAL.
|
|
|
Post by hirolionheart on Feb 6, 2009 21:42:39 GMT 8
^^^ Awww, talaga...? Ngayon ko lang din nalaman ito ah... Nakalulungkot na balita naman... Dapat talaga itong magsilbing leksyon para hindi na maulit ang ganitong aksidente sa pamamagitan ng mas maigting na pagpapatupad ng batas-trapiko (kung meron man) dito sa San Mateo.
|
|
|
Post by hirolionheart on Feb 6, 2009 22:05:18 GMT 8
Ito ang isang artikulo tungkol sa aksidente sa Dulong Bayan 1... 3 kabataan patay sa aksidente sa motorsiklo02/06/2009 | 03:46 PMMANILA – Tatlong kabataan ang nasawi matapos sumalpok sa pader ang sinasakyan nilang motorsiklo sa bayan ng San Mateo sa lalawigan ng Rizal nitong Biyernes.
Sa ulat ng dzBB radio, kinilala ang mga nasawi na sina Gilbert Gubat, 15-anyos; Myla Cabiles, 15; at kapatid nitong si Vanessa Cabiles, 13.
Sinabing agad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente si Gubat, habang sa Amang Rodriguez Medical Center binawain ng buhay ang magkapatid na Cabiles.
Lumitaw sa paunang imbestigasyon na mabilis ang takbo ng motorsiklo at hindi pinansin ang babala ng mga awtoridad na nakakita sa kanila na magdahan-dahan.
Hindi nagtagal ay nawalan umano ng kontrol ang motorsiklo at sumalpok sa pader sa Brgy. Dulong Bayan I sa San Mateo. – GMANews.TV
|
|