|
Post by hirolionheart on Jan 30, 2009 9:09:57 GMT 8
Napadaan ako sa Puregold San Mateo, napansin kong may tarp nadin ung Jollibee sa South wing nito malapit mismo sa Gen. Luna. About sa C6, meron ka bang alam kung saan exactly ang interchange nito sa Gen. Luna ? Wow! Talaga? Hindi ko pa napapansin yung tarp na yun eh, kasi tuwing pumapasok at umuuwi ako galing UP Diliman, sa Batasan-San Mateo Road na kagad ang liko at pinanggagalingan ko kaya hindi ko masyado natatanaw mula sa jeep ang south wing ng Puregold San Mateo (at kung may mga tarp na ba dun). Yung north wing kung nasaan ang Mercury Drug, Chowking at KFC na malapit ng magbukas ang madalas kong napapansin Saan banda nakakabit yung tarp ng Jollibee? Naku, hindi papayag ang McDo na Jollibee lang ang meron sa Puregold San Mateo, hehehe ;D 1.) Tungkol sa C-6 Road, ang huling pagkakaalam ko ay mag-i-interchange siya sa malapit sa Puregold San Mateo or somewhere sa Brgy. Banaba tapos dudugtong or malapit ata sa Batasan-San Mateo Road... 2.) Kaso ang inisyal na itinakda para sa C-6 ay dadaan ito sa mataas (sa bundok) na bahagi ng San Mateo partikular sa Brgy. Silangan, Sto. NiƱo, upper part ng Brgy. Guitnang Bayan 1 at 2, Brgy. Dulong Bayan 2, Brgy. Pintong Bukawe, atbp. hanggang dumeretso na sa Rodriguez, Rizal at San Jose del Monte City, Bulacan. Pero may exit naman daw papuntang Banaba. Ngayon, nakakalito kung ano sa dalawang konpigurasyon ang susundin para sa C-6 Road...
|
|
|
Post by hirolionheart on Feb 1, 2009 8:07:44 GMT 8
Nakita ko ang tungkol dito sa isang forum ng mga Pinoy Doctors Pinoy.MD (The Website for Filipino Doctors) - pinoy.md/ipb/index.php?s=a9a558a4fd5068e0e17e42f05c9854c9&showtopic=5051&pid=58027&st=0entry58027MultiSpecialty Clinic Soon To Open in Rizal-Markina AreaBy pdia75 Jan 7 2009, 03:43 AM To Pinoy MDs: A multispecialty clinic is opening soon on February 2009 at Gen. Luna St. San Mateo Rizal. The clinic is within the vicinity of Puregold. Sobrang matao so for sure, we can easily establish our names here. Hospitals that are near in this area are: St. Matteus, Rizal, St. Victoria, Amang Rodriguez, Marikina etc.
We are looking for interested doctors in all specialty to join us (Pediatrics, IM, OB, Surgery, Derma, FM etc. are all welcome).
Rates are very reasonable. Joining fee will be considered as an advance 1st month payment. Thus, No payment is required on the first month. The rest of the remaining hours/days of chosen schedules can be paid hourly, weekly or monthly basis. Profit sharing is also accepted (60/40).
Amenities:
Wifi access Partitioned rooms for different specialties Affiliated diagnostic lab. with rebates on labs. requested Phone line Rest room Clinic Secretary Computerized Medical Records for easy access
For further inquiries and reservations, please contact 473-12-99/0923-2816757 or email us at sttherese@doctor.com
|
|
|
Post by hirolionheart on Feb 2, 2009 15:36:17 GMT 8
Malapit ng buksan ang KFC sa Puregold San Mateo sa Brgy. Banaba. Meron na itong KFC signage, may mga upuan at lamesa na rin sila. Isa pang good news, two floors ang KFC at malaki ang sinakop nila sa leasing space ng Puregold Siguro by next week open na ito Napadaan ako sa Puregold San Mateo, napansin kong may tarp nadin ung Jollibee sa South wing nito malapit mismo sa Gen. Luna. Wow! Talaga? Hindi ko pa napapansin yung tarp na yun eh, kasi tuwing pumapasok at umuuwi ako galing UP Diliman, sa Batasan-San Mateo Road na kagad ang liko at pinanggagalingan ko kaya hindi ko masyado natatanaw mula sa jeep ang south wing ng Puregold San Mateo (at kung may mga tarp na ba dun). Yung north wing kung nasaan ang Mercury Drug, Chowking at KFC na malapit ng magbukas ang madalas kong napapansin Saan banda nakakabit yung tarp ng Jollibee? Naku, hindi papayag ang McDo na Jollibee lang ang meron sa Puregold San Mateo, hehehe ;D Yehey bukas na ang KFC Puregold San Mateo! Dito ako nag-lunch kanina lamang galing ng UP Diliman Maluwag sa loob at maganda pumwesto sa 2nd floor kasi cool ang view mula rito ng junction ng Gen. Luna Avenue at Batasan-San Mateo Road, pati view ng Batasan Hills At nakita ko na rin ng malapitan ang tarpaulin ng Jollibee sa southwing ng Puregold San Mateo (malapit sa main entrance ng Puregold) na nagpapahayag ng kanilang nalalapit na pagbubukas Abangan!
|
|
|
Post by St. Expeditus on Feb 2, 2009 17:00:52 GMT 8
Ayos pupunta kami mamaya.
Thanks idol!
|
|
|
Post by skymomo on Feb 2, 2009 20:07:24 GMT 8
;D Wow
|
|
|
Post by skymomo on Feb 2, 2009 20:18:12 GMT 8
;D
Wow, its nice na magkakaroon ng MultiSpecialty Clinic within San Mateo area, hindi na kailangang dumayo ng mga taga San Mateo sa ibang lugar.Its good na magkakaroon ng ganito because magtri-trigger ito ng competition ( St.Matteus), na maaring magpataas ng kalidad ng health service between two hospital and ung price na rin siguro.
;D
|
|
|
Post by hirolionheart on Feb 2, 2009 21:40:05 GMT 8
;D Wow, its nice na magkakaroon ng MultiSpecialty Clinic within San Mateo area, hindi na kailangang dumayo ng mga taga San Mateo sa ibang lugar.Its good na magkakaroon ng ganito because magtri-trigger ito ng competition ( St.Matteus), na maaring magpataas ng kalidad ng health service between two hospital and ung price na rin siguro. ;D Yup, malaki ang maitutulong nito lalo sa mga taga-San Mateo. Ito yata yung napansin ko kanina na may mga nag-aayos sa isang commercial building sa tapat ng Puregold San Mateo. Kahit papano ay nagkakaroon na ng "landlock" ang San Mateo sa pamamagitan ng Banaba area para hindi na lumayo ang mga residente ng San Mateo. Kaso kulang pa rin ng mga kilalang paaralan sa kolehiyo, at mga mapapasukang establisyimento kaya medyo mababa pa ang transient population ng San Mateo. Karamihan pa rin kasi sa Quezon City at Marikina City nag-aaral (sa kolehiyo) at nagta-trabaho (sa mga opisina) ang mga residente. Kaya mapapansing wala masyadong tao along Gen. Luna Avenue pagkatapos ng rush hour sa umaga 'pag pumapasok, tanghali at hanggang hapon bago mag-rush hour pauwi. Pero, habang tumatagal naman ay nagiging mas independent na ang San Mateo ayon sa aking obserbasyon
|
|
|
Post by skymomo on Feb 3, 2009 21:09:59 GMT 8
Maganda rin kung magkakaroon ng Public General hospital within sa San Mateo to serve Northen Rizal-Marikina-Batasan Area.
|
|
|
Post by hirolionheart on Feb 3, 2009 21:15:51 GMT 8
Maganda rin kung magkakaroon ng Public General hospital within sa San Mateo to serve Northen Rizal-Marikina-Batasan Area. Ah oo nga naman, bukod sa mga bagong sangay ng mga sikat na kolehiyo at iba pang establisyimento na dapat sanang itayo sa San Mateo, mas maganda kung kasasangkapan ang mga ito ng Public General Hospital. Ulit, para hindi na mapalayo ang mga residente sa iyong nabanggit na area
|
|
|
Post by hirolionheart on Feb 5, 2009 18:54:18 GMT 8
Kanina sa aking pag-uwi, may nakita akong bagong tarp sa southwing ng Puregold San Mateo Kaso hindi ko malinaw na nakita kung ano yung bagong tenant kasi nga tulad ng nasabi ko na dati, medyo malayo yung distansya ng junction ng Gen. Luna Avenue at Batasan-San Mateo Road (kung saan ako dumadaan papunta at pauwi mula UP Diliman) sa southwing ng Puregold San Mateo... Sa mga dumadaan sa junction ng Gen. Luna Avenue at Batasan-San Mateo Road papunta o mula Marikina City, pasilip naman kung ano yun, salamat!
|
|
|
Post by Skymomo on Feb 5, 2009 20:51:19 GMT 8
Maganda rin kung magkakaroon ng Public General hospital within sa San Mateo to serve Northen Rizal-Marikina-Batasan Area. Ah oo nga naman, bukod sa mga bagong sangay ng mga sikat na kolehiyo at iba pang establisyimento na dapat sanang itayo sa San Mateo, mas maganda kung kasasangkapan ang mga ito ng Public General Hospital. Ulit, para hindi na mapalayo ang mga residente sa iyong nabanggit na area oo nga kasi napanood ko sa news ung Pamilya from san mateo na nakakain umano ng kamoteng kahoy na may lason , Sa amang Rodriguez pa cla na Marikina isinugod. Kung meron lng sanang General Hospital sa San Mateo di sana doon cla isinugod.Papano kung serious accidents ung mangyari, eh di malaki ung possibilities na ma-dead on arrival ung biktima .
|
|
|
Post by hirolionheart on Feb 7, 2009 10:48:34 GMT 8
Medyo matagal na ang artikulo subalit isa itong importanteng proyekto para sa San Mateo P320-M water supply project in San Mateo, Rizal now underwayPosted: Tuesday July 1, 2008About 42,000 residents are expected to benefit from continuous water supply once Manila Waterās P320-M water supply project in San Mateo, Rizal gets completed.
The project, dubbed as Sto. NiƱo-Silangan Water Supply Project, is divided into two phases: Phase 1, which will serve barangays Gulod Malaya, Sto. NiƱo and portion of Silangan, and Phase 2, which will serve the whole of Silangan and the elevated areas of Parang in Marikina.
The project involves the construction of pumping station and reservoirs and the laying of 25 kilometers of water lines including mainlines and will benefit twelve existing subdivisions occupying a total land area of 27 hectares.
Started in October 2007, the water project is expected to provide ample water supply to meet the 15 to 20 million liters per day (MLD) demand of the more than 13,000 households in the area.Source - www.manilawater.com/news/p320-m-water-supply-project-in-san-mateo-rizal-now-underway
|
|
|
Post by hirolionheart on Feb 7, 2009 21:44:01 GMT 8
Kanina sa aking pag-uwi, may nakita akong bagong tarp sa southwing ng Puregold San Mateo Kaso hindi ko malinaw na nakita kung ano yung bagong tenant kasi nga tulad ng nasabi ko na dati, medyo malayo yung distansya ng junction ng Gen. Luna Avenue at Batasan-San Mateo Road (kung saan ako dumadaan papunta at pauwi mula UP Diliman) sa southwing ng Puregold San Mateo... Sa mga dumadaan sa junction ng Gen. Luna Avenue at Batasan-San Mateo Road papunta o mula Marikina City, pasilip naman kung ano yun, salamat! At ako na rin ang tumuklas ng bagong tenant ng Puregold San Mateo (nag-grocery kasi kami dun kanina lang)... ;D Ito ay ang Pizza Hut
|
|
|
Post by skymomo on Mar 8, 2009 21:55:28 GMT 8
meron yatang bagong tenant ang puregold ung Fun House , katabi ng pizza hut
|
|
|
Post by hirolionheart on Mar 9, 2009 5:54:49 GMT 8
meron yatang bagong tenant ang puregold ung Fun House , katabi ng pizza hut Wow, hindi ko na kasi masyado nakikita yung south wing ng Puregold San Mateo eh... Ano nga pala ang Fun House...?, fast food chain din ba yun?, pasensya na, ngayon ko lang kasi na-encounter yung Fun House..., hehehe ;D
|
|
|
Post by skymomo on Mar 13, 2009 14:29:30 GMT 8
Ngayon ko din nakita ung Fun House , d ko rin alam
|
|
|
Post by skymomo on Mar 13, 2009 14:37:33 GMT 8
Meron akong napansin sa Gen Luna, ngayon ko lng nalamn.Interested lng ako
Galing akong municipal hall papuntang BPI kaya naglakad ako. Doon ako sa sidewalk going to Montalban naglakad. Di ba meron doong mga lumang batong bahay na may matataas na pader. May nabasa ako sa mga Pader na SAN MATEO ELECTRIC COOPERATIVE ( parang ganon ). Then pag uwi ko sa bahay tinanong ko un sa papa ko, then he told me that dati raw may kompanya ng kuryente sa San Mateo at yun ngayon . Palagi naman akong naglalakad don pero noong isang araw ko lng napansin. Meron palang version ng meralco ang San Mateo dati. Nice to know
|
|
|
Post by hirolionheart on Mar 13, 2009 22:30:49 GMT 8
Ngayon ko din nakita ung Fun House , d ko rin alam Malalaman din natin kung ano ang Fun House soon..., hehehe Meron akong napansin sa Gen Luna, ngayon ko lng nalamn.Interested lng ako Galing akong municipal hall papuntang BPI kaya naglakad ako. Doon ako sa sidewalk going to Montalban naglakad. Di ba meron doong mga lumang batong bahay na may matataas na pader. May nabasa ako sa mga Pader na SAN MATEO ELECTRIC COOPERATIVE ( parang ganon ). Then pag uwi ko sa bahay tinanong ko un sa papa ko, then he told me that dati raw may kompanya ng kuryente sa San Mateo at yun ngayon . Palagi naman akong naglalakad don pero noong isang araw ko lng napansin. Meron palang version ng meralco ang San Mateo dati. Nice to know Ah yup, nakita ko na rin minsan yung almost fainted na sign na "San Mateo Electric Cooperative" sa isang pader malapit sa Ramos Bakeshop at sa bagong bukas ng Inkman Refilling and Printing Center along Gen. Luna sa GB 1. At ngayon lang nag-sink-in na aba, meron din palang sariling electric company ang San Mateo Naalala ko yung nakita ko noong papunta kaming Baguio City sa Tarlac na TARLECO-Tarlac Electric Cooperative. Dahil ang San Mateo ay sakop ng Mega Manila, Meralco na ang electric distributor natin maliban lamang sa ilang lugar partikular sa matataas na bahagi ng bundok na wala pang linya ng kuryente...
|
|
|
Post by hirolionheart on Mar 14, 2009 22:33:47 GMT 8
meron yatang bagong tenant ang puregold ung Fun House , katabi ng pizza hut Wow, hindi ko na kasi masyado nakikita yung south wing ng Puregold San Mateo eh... Ano nga pala ang Fun House...?, fast food chain din ba yun?, pasensya na, ngayon ko lang kasi na-encounter yung Fun House..., hehehe ;D Ngayon ko din nakita ung Fun House , d ko rin alam Nakita ko na kaninang hapon yung Fun House sa south wing ng Puregold San Mateo at katabi ng soon to open Pizza Hut pagdaan namin dito kanina papuntang Project 4, Quezon City Bukas na pala at maraming tao sa loob, akala ko nung una parang convenience store tulad ng Mini Stop o 7-Eleven. Pero nung sinearch ko sa internet, meron palang ganito sa Puregold Monumento, Lotus Mall Imus, etc. at isa siyang amusement place gaya ng Quantum, Time Zone, etc. as the name implies "Fun House" Kaya pala andaming tao sa loob nang makita ko. Di ko akalaing magkakaroon nito sa Puregold San Mateo. Galing!
|
|
|
Post by St. Expeditus on Mar 16, 2009 7:33:00 GMT 8
Meron akong napansin sa Gen Luna, ngayon ko lng nalamn.Interested lng ako Galing akong municipal hall papuntang BPI kaya naglakad ako. Doon ako sa sidewalk going to Montalban naglakad. Di ba meron doong mga lumang batong bahay na may matataas na pader. May nabasa ako sa mga Pader na SAN MATEO ELECTRIC COOPERATIVE ( parang ganon ). Then pag uwi ko sa bahay tinanong ko un sa papa ko, then he told me that dati raw may kompanya ng kuryente sa San Mateo at yun ngayon . Palagi naman akong naglalakad don pero noong isang araw ko lng napansin. Meron palang version ng meralco ang San Mateo dati. Nice to know yup meron nga nyan. if you want to know more regarding sa matter na ito, kwentuhan tayo minsan.. pag dating ng ating webmaster!
|
|
|
Post by Webmaster on Mar 16, 2009 14:22:59 GMT 8
Expeditus,
ano naman ang kinalaman ko sa Electric Cooperative na yan hehehehe, abangan mo ang pagdating ng webmaster dyan, magpractice kang mabuti, magensayo ka at alam mo na ang gagawin natin hehehehe
|
|
|
Post by hirolionheart on Mar 16, 2009 17:35:46 GMT 8
^^^ OT: Naks, may malalim palang kasaysayan ang San Mateo Electric Cooperative at kailangan pa ng personal na kuwentuhan, hehehe ;D Personal ko ng pinuntahan ang Fun House sa Puregold San Mateo kanina bago umuwi. Maliit lang ito: May token booth sa isang sulok, tapos ilang machines (may car racing video game, barilan, at iba pang simpleng libangan) ang maaaring gamitin. Aaminin ko na mas marami at mas bigatin pa rin ang mga makikitang machines sa Worlds of Fun, Quantum, at Time Zone sa iba't ibang mga malls pero cute/ok na rin naman ang Fun House para sa Puregold San Mateo
|
|
|
Post by hirolionheart on Mar 19, 2009 21:28:59 GMT 8
May arko na ang home-barangay ko na Guitnang Bayan 2 (GB 2) along Gen. Luna sa intersection nito sa Kambal Road Nakalagay dito na "Welcome to Brgy. Guitnang Bayan 2" kasama sa mababasa sa arko si Brgy. Captain Leo Buenviaje at si Mayor 'Paeng' Diaz Sayang nga lang, walang pic, hehehe ;D
|
|
|
Post by Slazh Webmaster on Mar 19, 2009 23:37:26 GMT 8
hiro,
please get pics of that boundary sign and lets post in ur GB2 profile. also, can u give me more information about ur bgy coz i dont know the official, sks, history etc etc, and just email to slazh@batangsanmateo.com. thanks a lot.
|
|
|
Post by St. Expeditus on Mar 19, 2009 23:40:14 GMT 8
May arko na ang home-barangay ko na Guitnang Bayan 2 (GB 2) along Gen. Luna sa intersection nito sa Kambal Road Nakalagay dito na "Welcome to Brgy. Guitnang Bayan 2" kasama sa mababasa sa arko si Brgy. Captain Leo Buenviaje at si Mayor 'Paeng' Diaz Sayang nga lang, walang pic, hehehe ;D WOW Congratulations!
|
|
|
Post by hirolionheart on Mar 20, 2009 10:12:56 GMT 8
Salamat! Meron ring bagong boundary sign ang Barangay Banaba na makikita sa tulay ng Batasan-San Mateo Road kaso hindi siya arch kaya hindi masyado pansinin... Ang maganda ngang naiisip ko dun ay isang malaking boundary arch sign ng San Mateo hindi lang ng Banaba kasi dun din ang boundary ng San Mateo at Quezon City na parang makikita sa tulay ng Banaba-Nangka para naman sa boundary ng San Mateo at Marikina City
|
|
|
Post by hirolionheart on Mar 25, 2009 16:23:59 GMT 8
May itatayo ang Milan, sa Guitnang Bayan 2, na isang commercial plaza na maglalaman ng tiangge-an, ilang opisina, klinika, at iba pang maliliit na establisyimento Malapit ito sa BUTODA terminal at sa bagong gasolinahan na Flying V sa kahabaan ng Kambal Road. Maaalala na may Milan Pawnshop sa kanto ng Kambal Road at Florencio Street, at katabi nito ang Milan compound kung saan kasalukuyang ginaganap ang tiangge-an nila na tuwing Miyerkules at Sabado lamang
|
|
|
Post by hirolionheart on Mar 25, 2009 16:28:36 GMT 8
Malapit ng magbukas ang Pizza Hut sa Puregold San Mateo dahil nagkakabit na sila ng mga tarpaulin sa kahabaan ng Gen. Luna Avenue (siguro meron din sa J.P. Rizal sa Nangka, Marikina City) na nagsasabing "Soon to Open: Pizza Hut Puregold San Mateo, Rizal" Ang tantsa ko rito ay magbubukas sila sa maagang bahagi ng buwan ng Abril
|
|
|
Post by skymomo on Apr 2, 2009 19:38:45 GMT 8
Parang ang tagal ng Mercury and Chowking na magbukas, kasi bago mag-opening ung puregold may tarpaulin na kaagad sila .May balita ba kayo?
|
|
|
Post by hirolionheart on Apr 2, 2009 21:42:04 GMT 8
Parang ang tagal ng Mercury and Chowking na magbukas, kasi bago mag-opening ung puregold may tarpaulin na kaagad sila .May balita ba kayo? Huwag kayong mag-alala, nakikita kong sinisimulan ng gawin ang Chowking (damay na rin yata ang Mercury Drug) sa Puregold San Mateo (may mga construction worker na sa loob) Tapos malapit na ang pagbubukas ng Pizza Hut Basta may tarp, ibig sabihin nakuha na ng tenant ang leasing space ng isang business establishment. Bale, inaayos na lang yung iba pang kailangan para mabuksan yun, gaya ng mga empleyadong magtatrabaho, construction, business permit, at iba pa ;D Kasi halimbawa sa UP-Ayala Land Technohub, marami pang soon to open na tenants (na meron na kagad sa pagbubukas ng Technohub) na akala mo hindi na magbubukas. Isa pa sa SM North-The Annex (December 2008 pa nagbukas), marami ng tenants ang sure na makikita dun pero hanggang ngayon, hindi pa sila bukas
|
|