|
Post by star apple on Sept 24, 2008 23:21:17 GMT 8
Sa ating sarili nagsisimula ang pagbabago. Ano ang kaya mong gawin para magpaganda at mapaunlad ang ating bayan?
|
|
|
Post by hirolionheart on Oct 1, 2008 21:44:12 GMT 8
Hindi ako magtatapon ng basura kung saan-saan. Tinatangkilik ko ang mga negosyo at produkto dito sa ating bayan: Hangga't maaari, dito na lang kami namamalengke kaysa naman sa mapalayo pa (Inaabangan na nga namin ang PUREGOLD San Mateo); Isa pa, kapag maaga ang uwian ko, halos lagi akong kumakain ng tanghalian sa isang fast-food chain dito sa San Mateo pagka-uwi galing UP Diliman; Dito na rin ang aming leisure time gaya ng ipagdiwang namin ang aking kaarawan sa 9 Waves. Lagi kong inaalam ang mga bagong developments tungkol sa ating bayan at ipinapa-alam/binibida sa mga kakilala ko kahit hindi taga sa atin. Nagko-contribute din ako sa San Mateo, Rizal article ng Wikipedia. Binibida ko rin ang San Mateo sa www.skyscrapercity.com - isang forum website tungkol sa mga developments at iba pang mga bagay kaugnay nito. Proud talaga ako na maging mamamayan ng San Mateo! Sana lahat tayo^_^
|
|
Tambay Ng Dekada 80
Guest
|
Post by Tambay Ng Dekada 80 on Nov 24, 2008 3:16:26 GMT 8
Sa ating sarili nagsisimula ang pagbabago. Ano ang kaya mong gawin para magpaganda at mapaunlad ang ating bayan? Magandang tanong... napapanahon. mahigit isang taon na lang. Mga tatakbo sa posisyon na nagbabasa nito, ano plataporma nyo? sana hindi pansariling interes lang. Sana walang may interes na magpayaman. Marami na namang matatamis na dila ang magsasalita. OO may partisipasyon din ang ordinaryong mamamayan sa pagpapaunlad ng bayan. Pero mas malaking factor pa rin yung galaw ng mga nanunungkulan. Kahit anong sikap nating mapaunlad ang lugar na kinalakihan, kung walang maayos na suporta ng nasa luklukan (dahil sa sariling interes), o kung meron man e kukurakutin pa ang pondo... wala rin saysay ang pagbabago na hinahangad natin, kahit sabihin pang sa ating sarili magmula ang pagbabago. Ngayon pa lang, magbilang na tayo ng mga pangako. "Ano ang kaya mong gawin para magpaganda at mapaunlad ang ating bayan?"dahil ako'y tambay lang LOL ;D... oobserbahan ko sila at isusumbong kay TULFO, XXX at Mang Enriquez.... seryoso.
|
|
|
Post by hirolionheart on Nov 24, 2008 6:47:59 GMT 8
Sa ating sarili nagsisimula ang pagbabago. Ano ang kaya mong gawin para magpaganda at mapaunlad ang ating bayan? Magandang tanong... napapanahon. mahigit isang taon na lang. Mga tatakbo sa posisyon na nagbabasa nito, ano plataporma nyo? sana hindi pansariling interes lang. Sana walang may interes na magpayaman. Marami na namang matatamis na dila ang magsasalita. OO may partisipasyon din ang ordinaryong mamamayan sa pagpapaunlad ng bayan. Pero mas malaking factor pa rin yung galaw ng mga nanunungkulan. Kahit anong sikap nating mapaunlad ang lugar na kinalakihan, kung walang maayos na suporta ng nasa luklukan (dahil sa sariling interes), o kung meron man e kukurakutin pa ang pondo... wala rin saysay ang pagbabago na hinahangad natin, kahit sabihin pang sa ating sarili magmula ang pagbabago. Ngayon pa lang, magbilang na tayo ng mga pangako. "Ano ang kaya mong gawin para magpaganda at mapaunlad ang ating bayan?"dahil ako'y tambay lang LOL ;D... oobserbahan ko sila at isusumbong kay TULFO, XXX at Mang Enriquez.... seryoso. Tama, magandang tanong ito para sa mga tatakbo para sa 2010 election, sana nagpa-participate din sila sa mga forum gaya nito... Yup, mas malaki ang papel ng mga namumuno sa atin kung paano mapapaunlad ang San Mateo..., pero siyempre gawin din natin ang ating parte bilang mabuting mamamayan nito
|
|
|
Post by geisha on Sept 25, 2009 14:49:14 GMT 8
isang palakpak kay hirolionheart para sa kanyang mga munting kontribusyon. maganda ang suhestyon mo na lumahok ang mga kakandidato sa forum na ito. ngunit hindi kaya umiral lamang ang grandstanding at mabubulaklak na salitang tipikal sa mga pulitiko? hmmmm...
isa ring palakpak para kay tambay ng dekada 80 lalo na sa kanyang pagiging mapagbantay na mamamayan na handang makipag-ugnayan sa media. pero payong kapatid: huwag mong lang-langin ang pagiging tambay. may iba ka pang magagawa. kung tambay ka pa rin sa ngayon, maging volunteer sa alin mang grupo o kilusan na naglalayong mapaunlad ang bayang ito. malaki ang mararating ng pagiging volunteer. ang isang munting gawa kapag pinagsama-sama ay malaki at malakas ang epekto.
hanggang sa muli, mga kapatid.
|
|
|
Post by geisha on Sept 25, 2009 14:56:16 GMT 8
pahabol...
ang mga nabanggit ni hirolionheart at nag-uugat sa pag-uugali, sa sarili. at ang mga ugali ay bahagi ng kultura. at bilang isang progresibong manggagawang pangkultura, isa sa hangad ko ay ang ang isang taktikal na plano/programang kultural na hindi lamang magtatampok ng mga yamang pangkalinangan ng bayang ito kundi kaakibat ang kultural na pagbabago hindi lamang ng sambayanang Mateans kundi lalo't higit ng sarili. dahil saan man tayo mapadpad, dala natin ang tatak ng pinanggalingan natin.
|
|
sean
New Member
Posts: 4
|
Post by sean on Feb 27, 2012 7:36:03 GMT 8
Para po sa akin, MALAKING OPORTUNIDAD SA TRABAHO ANG TURISMO SA PARTE NG CASILI, DAHIL MAY ILOG NA MALINIS ITO, MAYROONG BIKING TRAIL, MAY DAANAN PAPUNTANG WATER FALLS NA NAPAKA GANDA, MAYROONG MAULAP NA MOUNTIN VIEW, PWEDE RIN MAG TAYO NG CAMPERS SITE. ANG HILING KO LANG PO AY SANA MAGKAROON NG SAMAHAN O ORGANISASYON NA SYANG AGRESISBO NA MAGPAPANATILI NG KAAYUSAN AT KALINISAN NG LUGAR. AKO PO AY PHOTOGRAPHER NA MAARING MAKA TULONG SA PAGPAPALAGANAP NG KAALAMAN NG KAGANDAHAN NG LUGAR SA PAG-POST NG MGA MAGAGANDANG LARAWAN SA AKING FACEBOOK AT BLOGPARA MS LALO PANG MAKILALA ANG TUNAY NA KAGANDAHAN NG LUGAR. MABUAHY PO TAYONG LAHAT!
|
|