|
Post by askedcross on Jan 23, 2009 7:38:03 GMT 8
sa tagal ng pagkolekta ng basura dito sa tierra monte, barangay silangan, di na malaman ng residente kung saan itatapon ang tambak na basura sa kanilang bakuran. kung saan ay syang pinanggagalingan ng sakit . grabe talaga! halos ilang linggo na di kinokolekta ang mga basura! sino nga ba ang responsable sa pag kolekta sa basura? namamaho ng ang kapaligiran dito!
sana wag na nating hayaan na magkaroon pa ng outbreak sa lugar na panggagalingan ng sarisaring sakit lalo na sa nga paslit na bata!
Capt. Alexander S. Laureta! kung makita mo ang mensaheng ito! sana bigyang aksyon naman dyan!
|
|
|
Post by dolares on Jan 23, 2009 15:43:59 GMT 8
What else is new tol? Tapos na kasi ang pasko eh kaya wala na sila, last december, araw araw dumadaan ang trak ng basura sa min, ngayon, once in two weeks na lang.
every year ganyan na routine nila, di na kayo nasanay. ako nga naglalakad na hanggang sa labas ng subd nmin para lang makapagtapon basura sa umaga, naghihintay na dumaan ang trak. kasi nga di na sila pumapasok sa mga subdvisions ngayon, wala na negosyo eh.
Wait na nga lang natin na magkaron ng outbreak sa San Mateo, tutal ganyan nman ang mga namamahala sa atin eh, kikilos lang pag may problema na.
|
|
|
Post by duds on Jan 26, 2009 12:26:35 GMT 8
sa amin din sa Phase 8, Liamzon guitnang bayan I, walang pumapasok n truck, marami lang nangolekta ng basura don noong december tpos wla na.
|
|
|
Post by St. Expeditus on Jan 27, 2009 13:04:24 GMT 8
sa amin din sa Phase 8, Liamzon guitnang bayan I, walang pumapasok n truck, marami lang nangolekta ng basura don noong december tpos wla na. Sir you can address the problem to Kapt. Lorenzo or Kgwd. Panlilio- Chairman on waste management. Luma na kasi at sira na dump truck ng GB1, hinihintay pa yung ibibigay ni Gov. Ynares.
|
|
|
Post by juaning on Jan 28, 2009 6:39:06 GMT 8
tapos na kasi pasko
|
|
|
Post by hirolionheart on Jan 28, 2009 8:52:39 GMT 8
^^^ Yeah, nung panahon ng Kapaskuhan, ang sipag-sipag nila mangolekta ng basura, tapos may iaabot pa silang sobre para pamasko raw ;D Ngayon, sa amin, may nangongolekta pa rin naman pero hindi sila ganun kasigasig...
|
|
|
Post by St. Expeditus on Jan 28, 2009 10:00:26 GMT 8
^^^ Yeah, nung panahon ng Kapaskuhan, ang sipag-sipag nila mangolekta ng basura, tapos may iaabot pa silang sobre para pamasko raw ;D Ngayon, sa amin, may nangongolekta pa rin naman pero hindi sila ganun kasigasig... Yes ganun talaga kapag namamasko,
|
|
|
Post by hirolionheart on Feb 3, 2009 21:06:31 GMT 8
sa tagal ng pagkolekta ng basura dito sa tierra monte, barangay silangan, di na malaman ng residente kung saan itatapon ang tambak na basura sa kanilang bakuran. kung saan ay syang pinanggagalingan ng sakit . grabe talaga! halos ilang linggo na di kinokolekta ang mga basura! sino nga ba ang responsable sa pag kolekta sa basura? namamaho ng ang kapaligiran dito! sana wag na nating hayaan na magkaroon pa ng outbreak sa lugar na panggagalingan ng sarisaring sakit lalo na sa nga paslit na bata! Capt. Alexander S. Laureta! kung makita mo ang mensaheng ito! sana bigyang aksyon naman dyan! Dahil malapit ng mag-operate ang bagong San Mateo Landfill sa Brgy. Pintong Bukawe, dapat masolusyonan na ang basura ng San Mateo lalo na sa inyong mga nabanggit na lugar sa Tierra Monte at sa Liamzon. batangsanmateo.proboards66.com/index.cgi?board=general&action=display&thread=55 - Nandito ang artikulo ukol sa nalalapit na pag-o-operate ng bagong landfill na ito.
|
|
|
Post by askedcross on Feb 10, 2009 2:00:23 GMT 8
salamat po sa info nyo.
as of this time di pa rin na kolekta ang basura sa tierra monte dahil nuwan ang bibilangin para dumaan ang trak ng dasura sa lugar, sa liit ng trak sa kabuoang nasasakupan ng tierra monte at mat roon lamang na 20% ang nakokolekta. at di na umaabot sa lugar namin.
halos magkasakit na ang mga bata sa amin.... at lalong dumadami na ang lamok na pagmumulan ng sakit.
hintayin pa ba na mayroong mapinsala o mawalan ng buhay sa idudulot na sakit galing sa di pagkolekta ng basura?
kailangan pa bang may mag sakripisyo ng buhay para lang matugunan ng lokal na pamahalaan ang aming lugar o kung saan mang lugar pa?
hintayin ko pa bang may mangyari pa na di inaasan dahil lang sa idudulot ng umaalingasaw na amoy galing sa basura?
tama bang dalhin ko na lang ang mga basura sa harapan ng barangay para ma aksyonan?
kung luma na nga ang mga malilit na trak panghakot ng basura? wala bang ikalawang option para matugunan ito?
maari ko bang sisisgin ang barangay o lokal na opisyal ng san mateo kung may mangyari man na di maganda sa di pagkolekta ng basura?
kayo na po ang magsabi kung tama lang na maayos manirahan sa san mateo.
hanggang kailan pa ba tayo maghihintay ng katugunan o solusyon sa problema sa basura? kapag patay na ang kabayo?
dapat lang po na unahin ang kaayusan at kalinisan ng san mateo.
kailangan pa bang ipaalam ito sa lokal na pamahalaan o sa barangay level na lang?
agarang aksyon ang nararapat sa problemang ito!
salamay po muli.
|
|
|
Post by St. Expeditus on Feb 10, 2009 7:59:35 GMT 8
Napakaganda ng iyong hangarin pero masasabi ko na ito ay magiging walang saysay kung hindi natin ipapaalam sa authority, ewan ko ba kung bakit hanngang ngayon ay di pa din nakukuha ang basura sa inyo?
Hayaan mo ipapaabot ko sa isang kagawad ng silangan na naway bigyan nila ng solusyon ang problema nyo jan tierra monte tungkol sa basura.
Hinihiling ko lang na sana ay ipaabot mo din ang problema hindi lang sa barangay gayun na din sa munisipyo. kami din ay may katulad na problema gaya sayo pero dahil sa hindi kaya ng barangay lang ay katulong namin ang munisipyo sa paglutas sa problemang ito.
|
|
|
Post by hirolionheart on Feb 10, 2009 19:05:34 GMT 8
^^^ Maraming salamat expeditus! Nakakatuwa na nagiging paraan ang forum ng batangsanmateo para iparating ang mga hinaing ng mga mamamayan ng San Mateo at iulat ito sa mga kinauukulan Subalit, dapat umaaksyon ang mga namumuno ng kusa (dahil ito ang kanilang responsibilidad at pananagutan sa kanilang nasasakupan) na hindi na kinakailangan pang may mga mag-reklamo at umabot pa dito o kaya sa media...
|
|
|
Post by ricky on Feb 11, 2009 15:57:47 GMT 8
I am a resident of Sta Barbara Villas II and same problem we have been encountering on our garbage. Collection is done irregularly and when it is done, the truck that are being used are too small that could not accomodate such garbage which are stock for several days. In fact, plenty of flies most probably rats will linger to our place due to this problem.
I have already informed our honorable mayor regarding the concern, thus suggested to send this concern to the barangay officials. After, if no actions have been taken, address the formal complain to him for proper action.
To whose in charge of the garbage collection, please kindly address our long time request so as not to have further troubles if this reach to higher authorities. We at Sta. Barbara Villas II are very much willing to cooperate to solve the issue.
Thank you.
|
|