Post by casagrande on May 1, 2009 2:02:47 GMT 8
Swine Flu (H1N1 Virus) Ito ang sakit na lumalaganap na lubhang napaka bagsik dahil walang gamot laban dito. Ang sakit na ito ay galing sa baboy na nagsimula sa bansang Mexico. Ang San Mateo at karatig bayan ay maraming babuyan. Hindi mo kailangan ang lisensiya dahil walang kontrol ang munisipyo para magalaga ng baboy sa iyong bakuran. Ang mga commercial grower walang sanitaryong paraan para linisin ang tubig na galing sa kanilang pasilidal bago ito pakawalan sa umaagos na ilog gayon din ang maliliit na grower sa kanilang likod bahay. Resulta patay ang mga ilog at mabahong simoy ng hangin malalanghap bago lumubog ang araw at sa kalaliman ng gabi depende kung saan ang ihip ng hangin. Ako ay taga Dulong Bayan II hapon at gabi mabahong amoy galing sa mga babuyan isama pa ang poultry at amoy ng basura. Kung tatama ito sa Pinas siguradong apektado ang San Mateo. Ang Pinoy nagkalat sa buong mundo isa lang sa milyon milyong pinoy na merong virus ang pumasok ng bansa para magbakasyon ito ay parang apoy na kakalat. Isipin mo kung mahahawa pa ang mga baboy sa bansa lubhang napakaselan ng sitwasyon. Mga mambabatas, artista at iba pa na manonood ng laban ni Paquiao sa Las Vegas nanganganib na maiuwi nila ang sakit na ito. Hindi alam ng katawa ng tao kung paano labanan ito ayon sa mga dalubhasa ang ikamamatay ng tao sobrang reaction ng anti-bodies para lunurin ang baga ng biktima. Isang 10 taong gulang na batang lalaki sa Vera Cruz, Mexico positibo sa virus ang nakagaling sa kanya ay pagkain ng ice cream. Hindi ko alam bakit ice cream. Go to Google and type “2009 H1N1 Flu (Swine Flu) Outbreak map” Siguradong iniiwasan ng tao ang pagkain ng karne ng baboy ngayon dahil walang bumibili ng karne malulugi ng tindera kaya naman gagawin nilang langgonisa at tocino ang mga karne para mabili kahit na later on pa nila maitinda dahil hindi naman masisira ang mga ito. Ako mag-lalaga ng talong at okra sawsaw sa bagoong at kalamansi. Go to Department of Health website dahil marami silang tip doon kung paano makakaiwas sa sakit na ito. Kung meron kayong alagang baboy kayo na ang bahala kung ano ang inyong gagawin sa inyong alagang baboy.