|
Post by sultrykitty on Nov 8, 2008 14:14:32 GMT 8
What does your area look like? describe naman! =)
mine is peaceful inside the subdivision pero magulo paglabas.. i like our place because it has lots of trees planted. so presko pag kahit tanghali. tahimik rin pero silence is broken by tricycles and endless videoke nights. sa katabing subdivision.
middle class talaga lugar namin, a mixture of ooh wow houses and simple houses.
|
|
|
Post by Slazh Webmaster on Nov 8, 2008 21:23:29 GMT 8
Hi Sultrykitty,
Thanks for your nice topic.
about our place naman, parang walang taong natutulog sa lugar namin, 24 hours a day, 7 days a week kasi parang gising lahat ang mga tao, umaga man or gabi. wala pa naman kaming nababalitaang nanggulo sa aming lugar kaya i consider it peaceful pa rin compared to other places. pang low and middle class yung place namin, madalas ka ring mapapa-wow sa mga neybors at mga tao doon kasi mababait, magagalang at magaganda sila, and most of all ay uso pa rin ang bayanihan sa aming lugar...kaya for me, the best pa rin ang aming lugar.
|
|
|
Post by Batang Libis on Nov 20, 2008 5:12:17 GMT 8
Sa amin noong mga dekada 70 & 80 kahit sa libis ang bahay namin, tahimik, malinis. Sa likod bahay madalas namin gawan ng kubong tambayan. Malawak na kabukiran ang kabitbahay at laging may mga seasonal crops like mais, pakwan, labanos... depende sa season.
Malinis pa ang ilog at masarap paliguan. Ng dalawin ko few years back yung lugar.... wow! ang laki ng pinagbago. Siksikan na yung mga bahay papasok sa compound. Laging basa ang daanan kahit walang ulan. Iba na rin ang amoy, wala na yung dating amoy bukid. Naglipana na rin ang mga tambay na kung saan-saang lupalop galing. Magulo na ang environment sa dami ng taong nagsisiksikan. Iilan na lang ang kakilala ko.
Anyway, masarap pa rin syang balik-balikan kahit nagbago na ang lugar kong kinalakihan. At wrm pa rin ang pagsalubong sakin ng mga ilan-ilang natitirang kakilala.
|
|