|
Post by Skymomno on Apr 16, 2009 21:45:15 GMT 8
Alam kong marami sa atin nangangarap na magkaroon ng sariling mall, ospital , sport venue at iba major establishments ang San Mateo. Meron lang akong study na ginagawa and i want your cooperation regarding this matter. Kung magkaka SM Mall sa San Mateo saan ung magandang location nito. Kung Magkaka ospital sa San Mateo saan? Anong pangalan? Please leave your comment or suggestions.
|
|
|
Post by hirolionheart on Apr 16, 2009 23:22:44 GMT 8
Very nice subtopic skymomo Kung isang SM Supermall ang itatayo sa San Mateo, may dalawa akong naiisip na konpigurasyon: 1.) Pwede sigurong itayo ito sa isang malawak na bukid sa kaliwang bahagi kung papunta kang Batasan, Quezon City passing through Batasan-San Mateo Road and its bridge (mala-SM City Marikina ang naiisip ko kasi malapit din sa ilog), para accessible sa mga taga-San Mateo (siyempre), Rodriguez/Montalban, Marikina City (northern area), at Quezon City (northeastern area). O kaya, dun sa isang lupain katabi ng Felicidad Village sa tapat ng Puregold San Mateo (para may mabuong kumpetisyon), kaso mas maganda sana kung sakupin at isama na rin ang bahagi ng commercial building (na nasa kanto ng San Mateo-Batasan Road at Gen. Luna) para mas malawak para sa isang SM Supermall 2.) Pero ang pinaka-ideal ay kung matapos na ang C-6 Road, ilalagay ang SM City San Mateo sa junction nito kadugtong ng isa pang kalsada pa-exit ng Banaba, maganda kung maidugtong pa nila ito sa Batasan-San Mateo Road. Sa ganitong set-up, mas maraming lugar ang makaka-access dito - mula Taguig City (magkakaroon na ng SM Supermall sa Bonifacio Global City - kumpirmado) kung saan magsisimula ang C-6, Taytay na dadaanan din ng C-6 kadugtong ang Manila East Road kung nasaan ang SM City Taytay, Antipolo City (may plano na rin daw kasing magkaka-SM Supermall dito - hindi pa kumpirmado), San Mateo (mas accessible na rin sa mga barangay ng San Mateo sa mabundok na bahagi at pati sa Timberland Heights 'di tulad sa una kong konpigurasyon), Rodriguez/Montalban, hanggang sa San Jose del Monte City (magkaka-SM Supermall na rin daw dito kaugnay ng MRT-7 - hindi pa sigurado), Bulacan kung saan magtatapos ang C-6
|
|
|
Post by hirolionheart on Apr 16, 2009 23:52:55 GMT 8
Para naman sa ibang establisyimento, naiisip ko na itayo ang mga ito sa mga sumusunod na lugar: 1.) Sa katabi ng Caltex at ng Eastern Star Academy, bandang tapat ng Max's San Mateo at malapit na sa Budgetlane Sulitmarket Ampid 1. Isang paaralang pang-kolehiyo pwede rito o isang ospital. Sa ospital gusto kong pangalan, San Mateo General Hospital - SMGH. Sa paaralan, pwedeng private gaya ng AMA, STI, etc. Ewan ko ba kung ano ngayon ang nandoon..., pano, nagbebenta daw sila ng white sand, tapos maraming malalaking truck ang nakaparada dun... 2.) Sa malalawak na bukirin (tinambakan na ng mga buhangin, lupa), sa kahabaan ng Kambal Road. 3.) Sa likod ng Shell gasoline station sa Ampid 1 na katabi din ng Honda at RCBC Savings Bank. May tarp kasing naka-display dun na 7000 square meters na lupa ang negotiable. Pwedeng isang Supercenter dun parang Blue Wave Mall ng Marikina City dahil katabi din ng isang gasolinahan ;D 'di kaya'y isang paaralan o ospital ang itayo dun. 4.) Sa katabi ng sabungan ng San Mateo malapit sa San Mateo Catholic Cemetery at malapit din sa Patio Isabel Y Jardin (isang events' venue). Kaso hindi masyado attractive dahil nga katabi ng isang sementeryo. Sa isip ko nga, isang coliseum o sports center na lang ang ilagay dun kaysa isang sabungan kaso yun nga katabi ng isang himlayan... Hanggang Guitnang Bayan lang ako umaabot sa pagdaan sa Gen. Luna at Kambal Road, kaya hindi ko alam kung saan-saan pa ang ibang pupwedeng pagtayuan ng iba't ibang estabilisyimento at institusyon. Minsan nga ay maglilibot-libot ako ng San Mateo para mag-survey ng lugar Ibahagi niyo rin ang inyong mga ideya at kuro-kuro ukol dito
|
|
|
Post by hirolionheart on Apr 17, 2009 18:10:23 GMT 8
^^^ Matanong ko lang skymomo, para saan pala yung gagawin mong study ukol dito?
|
|
|
Post by casagrande on May 16, 2009 2:02:26 GMT 8
Maluwag na kalsada ang kailangan para magkaroon ng malaking proyekto tulad ng SM mall at Hospital. Piliin natin ang susunod na Gobernador ng Rizal merong prinsipyo, merong matibay na paninindigan at hindi nabibili (meron pa bang natitira?). Mayor na ambisyoso para sa kaunlaran ng San Mateo hindi gahaman sa pera ang idolohiya ay makabago at ang vision ay para sa teknolohiya ,science at merong diplomasya. Meron tayong batas “Power of Eminent Domain”(for more info google “power of eminent domain”) ito ang gagamiting batas para bilhin ng gobyerno ang espasyo para sa proyektong “Road Widening”. Luwagan ang kalsada ng Gen. Luna, Daang Bakal at Daang Tubo. Maraming magagalit sa Mayor dahil bawat property along Marikina to Montalban boundary nakadikit sa kalsada (sa mga rutang nabanggit). Isipin mong papalag lahat ang property owner sasagupain lahat ng Mayor kung walang prinsipyo at walang paninindigan hindi ito magagawa. Meron bang pera para bayaran ang mga property na tatamaan? Matagal na proseso ito sa korte dahil maraming owner ang lalaban sa korte para sa presyo ng bilihan. Kaya bang gawin? Ang pagunlad ng bayan ay hindi sa pangarap lamang kung ang lahat ng naninirahan sa San Mateo ay mag-sasabi ng “YES WE CAN” Maluwag ang espasyo sa taas pwedeng maglagay ng cable car from San Mateo to Cubao. LRT nagawa bakit hindi ang cable car? Ito ang sinasabi kong vision pang teknolohiya. Herolionheart kailangan ng physics para patakbuhin ang cable car siguro ito pagtuunan mo ng pansin idesenyo ang isang cable car na pinatatakbo ng tubig dahil maraming tubig sa Pinas. O di kaya gas na galing sa basura o tae ng baboy dahil maraming basura at babuyan sa San Mateo. Pagnagawa ito sasabihin ko sa iyo kung saan ang “Stratigic Location” ng SM, Hospital at Sports Center.
|
|
|
Post by hirolionheart on May 16, 2009 11:12:08 GMT 8
^^^ Maraming salamat casagrande sa pagbibigay mo ng pananaw tungkol dito At ang mga ito ay nakakapagbigay-inspirasyon Sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon. Sa katunayan, naisip ko na rin ang planong lagyan ng cable cars ang San Mateo lalo na't tayo ay nasa isang lambak (valley) kung saan maaaring ikabit ang linya ng cable cars mula sa bundok ng San Mateo at sa burol (hill) ng Quezon City na maaari ring mapaabot hanggang sa Cubao. Isa pang magandang dagdag-konpigurasyon ay ang pagpapadaan ng cable cars sa kahabaan ng Sierra Madre, na nakasentro sa San Mateo, tapos dadaan sa Rodriguez at Antipolo City. Ang isa sa mga magagandang epekto nito ay siguradong mas mapapalakas pa ang turismo ng San Mateo at kahit ng karatig-bayan at lungsod. Kung mahirap ng palaparin ang mga kalsada ng San Mateo, bakit hindi tayo gumawa tayo ng mga bagong daan sa taas? ;D Dagdag na rin natin ang paglalagay ng mga skyway, flyover, at footbridge. Maisingit ko lang, kung inyong mapapansin sa mapa ng San Mateo sa Wikimapia, malawak ang lupain/bukirin na pinapalooban ng Daang Tubo, Abuab II Road, Maly-Ampid Road at Patiis Road, at Daang Tubo, Patiis Road, Maly-Ampid Road at Maly-Marang Road at Patiis Road. Nilagay ko na rito ang ginawa kong imahe: Kung magawan lang ng magandang road network dito, siguradong maraming mag-iinvest na mga kumpanya sa mga lugar na nakapaloob sa gagawing road network Hindi nga lang ako sigurado kung sa kasalukuyan, ginagamit ang mga lupaing ito sa produksyong agrikultural ng San Mateo, o may ilang mga taong doon naninirahan at namumukid, o wala na talagang gumagamit. Ito naman ang tungkol sa "power of eminent domain" mula sa Wikipedia: Eminent domain (United States), compulsory purchase (United Kingdom, New Zealand, Ireland), resumption/compulsory acquisition (Australia) or expropriation (South Africa and Canada) or land acqusition (India) in common law legal systems, is the inherent power of the state to seize a citizen's private property, expropriate property, or seize a citizen's rights in property with due monetary compensation, but without the owner's consent. The property is taken either for government use or by delegation to third parties who will devote it to public or civic use or, in some cases, economic development. The most common uses of property taken by eminent domain are for public utilities, highways, and railroads. Some jurisdictions require that the government body offer to purchase the property before resorting to the use of eminent domain.Talaga namang magandang rekurso (resource) ng enerhiya ang makukuha sa methane ng mga basura lalo't meron tayong sanitary landfill at ang bio-gas na magmumula naman sa mga poultry at piggery. Ang enerhiyang mahuhugot mula rito ay maaaring gawing kuryente para sa mga kabahayan, pampatakbo sa cable cars, at kahit sa pagpapaandar ng mga sasakyan. Siyempre, hindi ito magiging madali kung wala tayong mga pinuno na may katangiang iyong nabanggit. Naniniwala rin ako na isang magaling na mayor o governor ang isang inhinyero (engineer) basta't walang bahid ng pansariling interes. Isang magandang halimbawa na nga ang kasalukuyang MMDA chairman Bayani Fernando at dating mayor (1992-2001) ng Marikina City. Malaking transpormasyon ang nagawa niya sa naturang lungsod at gayun na rin sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila. Kahit pa may ilang nagagalit sa kanya, mas marami pa ring natutuwa sa kanyang mga ginawa at ginagawa dahil sa pagpapairal ng disiplina Bilang pangwakas, naniniwala ako na sa isang matagumpay na komunidad, ang bawat mamamayan ay dapat ring makibahagi para sa mas maunlad at mas mabuting lipunang kanilang ginagalawan Mga Sanggunian - wikimapia.org/#lat=14.7008819&lon=121.1372924&z=15&l=0&m=a&v=2 - en.wikipedia.org/wiki/Eminent_domain
|
|
|
Post by skymomo on May 18, 2009 21:46:03 GMT 8
Sa ipinakitang satellite view ng San Mateo makikitang malaki pa ang pwedeng i-unlad ng san mateo. Ang dami pang bukirin na dapat idevelop especially sa may Maly- Guinayang - Malanday Area.
|
|
|
Post by skymomo on Dec 14, 2009 21:07:17 GMT 8
;D ;D ;D ;D ;D ;D ;D ;D Minsan napadaan ako sa NBS and may nabasa ako, In a rare opportunity, San Mateo was mentioned in the Guiness World Records 2010 , Book of the Decade @ page 133 . The record for the Philippines as the Most Number of Diabetes Reading was held in San Maeo Rizal. Actually, noon ko lng nalaman yon.Good to know na theres such activities held at San Mateo. ;D
|
|
sean
New Member
Posts: 4
|
Post by sean on Feb 27, 2012 7:37:34 GMT 8
ANG BARANGAY NG CASILI AY MAARING ISANG OPORTUNIDAD PARA SA TURISMO. Para po sa akin, MALAKING OPORTUNIDAD SA TRABAHO ANG TURISMO SA PARTE NG CASILI, DAHIL MAY ILOG NA MALINIS ITO, MAYROONG BIKING TRAIL, MAY DAANAN PAPUNTANG WATER FALLS NA NAPAKA GANDA, MAYROONG MAULAP NA MOUNTIN VIEW, PWEDE RIN MAG TAYO NG CAMPERS SITE. ANG HILING KO LANG PO AY SANA MAGKAROON NG SAMAHAN O ORGANISASYON NA SYANG AGRESISBO NA MAGPAPANATILI NG KAAYUSAN AT KALINISAN NG LUGAR. AKO PO AY PHOTOGRAPHER NA MAARING MAKA TULONG SA PAGPAPALAGANAP NG KAALAMAN NG KAGANDAHAN NG LUGAR SA PAG-POST NG MGA MAGAGANDANG LARAWAN SA AKING FACEBOOK AT BLOGPARA MS LALO PANG MAKILALA ANG TUNAY NA KAGANDAHAN NG LUGAR. MABUAHY PO TAYONG LAHAT!
|
|