|
Post by St. Expeditus on Feb 4, 2009 21:26:48 GMT 8
Magandang araw po sa inyong lahat. Dito na lang po natin ilagay ang ating suggestions and comments on how to improve our BatangSanMateo Community. Lets make this community sizzling hot! kumbaga sa pulutan gaya ng sizzling sisig. hehehe..
|
|
|
Post by dreddurius on Jul 9, 2009 15:25:26 GMT 8
Kumusta sa lahat. Willing akong tumulong sa pag streamline ng Batang San Mateo website, kung mamarapatin ng ating mga website administrators.
Ito'y para mapadali ang paghanap ng kung anumang impormasyon para sa mga parokyano natin.
Maraming salamat.
|
|
|
Post by batangsanmateo on Jul 9, 2009 17:31:18 GMT 8
Hi, Im Slazh, can u add bobbybluestmm@yahoo.com in your YM so we can discuss how we can further improve our website. Thanks so much for your offer to help, however, I would like to inform you that whoever wishes to offer his services will not be given any incentives in any form because our services here are all voluntary. Thank you and I look forward to discussing with you in the coming days. Best regards.
SLAZH
|
|
|
Post by dreddurius on Jul 9, 2009 18:16:03 GMT 8
Understood Add request pending na. Just trying my best to contribute in my own small way.
|
|
|
Post by geisha on Sept 25, 2009 15:12:36 GMT 8
25 September 2009
TO ALL CONCERNED:
A blessed day.
I would just like to express my various observations, clarifications and recommendations on the management of various aspects of our Barangay Ampid 1.
• DELOS SANTOS STREET It has been noticeable for years now that Delos Santos Street easily gets worn out despite the constant repairs. It is not like Payatas Road where dump trucks and similar vehicles ply to and fro said street yet the stretch of said street from General Luna Road going up, especially until the barangay hall, is constantly plagued with cracks and holes. Are the materials used substandard? It is also highly noticeable that only half of the whole street width is rehabilitated at a given time. That is why the street is constantly repaired. Isn’t it much more cost effective if it is repaired all at once with quality materials that will last for quite a time? This was done for Reyes Street when the tricycle traffic rerouting scheme was implemented just recently. Why can’t it be done the same for Delos Santos Street? A case of priority or selectivity? But Delos Santos is a major interior thoroughfare. A case of lack of resources or “misappropriated” ones?
The set up of sidewalk grills from General Luna Road up to Daang Bakal is commendable but the gutter where they stand were not properly cemented. Is half-bake the kind of service that concerned authorities deliver to the public?
The drainage system especially at the intersection of said street and Daang Bakal easily gets flooded especially during heavy rains. Aren’t there any concrete solutions to this, a long-term one? Was there any stumbling block affecting the carrying out of such a solution?
The drainage hole covers along Delos Santos Street, mostly on the right side leading out to General Luna Road, have been in a devastated state for years now despite the constant repairs of the street. Most are already damaged – half of the cover is broken; both covers have sunk already; a couple of concrete covers were already gone; and were temporarily replaced with a wooden cover – and not properly lit. Shall we still wait for limbs and lives to be put at risk before we act accordingly on this? Are we really concerned about public safety here? Aren’t there any allotted funds for such? Cannot we seek assistance from rightful authorities should there be lack of funds and other resources?
• AMPID TRICYCLE OPERATORS & DRIVERS’ ASSOCIATION (ATODA) It has been my proposal during my short-lived term as the president of our homeowners’ association way back in late 1990s that the Reyes Street be opened to reroute and decongest the tricycle traffic along Delos Santos Street. I am thankful that this has finally materialized recently this 2009. But the traffic scheme currently implemented still needs to be improved. Once passengers have gotten in from the terminal at the Mercury Drug Store, the outgoing tricycles counter the incoming tricycles about to unload passengers in front of the Santolan Arcade which causes terrible traffic. Worst of it all is that municipal employees with dark blue T-shirt uniforms printed with OPSS at its back do not do anything about it. Furthermore, last 9:00 pm of Thursday, 24 September 2009, most of the tricycle drivers lined up in the terminal do not want to take me in upon hearing my destination with no apparent valid reason. Worst of it all, these five (5) OPSS men were just chatting with a tricycle driver whom they called in from the line up. Aren’t they supposed to enforce traffic order there? Are they being paid by taxpayers’ money to just chat and do not render the work they are expected to do? Isn’t it more practical to let the outgoing tricycles exit through General Luna Road to enter Delos Santos Street?
I am a social-cultural advocate and a media practitioner. I used to be a public servant, not politically though. I have long been urged to run as barangay chairperson but public service can still be delivered effectively and efficiently even without political post. But as a concerned proactive citizen, I will not let these things pass unacted upon. Do we still need the media’s attention to let these concerns be acted upon? I hope not. But if need so, I can very well do it… and soon.
It is with high hopes that these matters shall be acted upon accordingly not simply because Elections 2010 is fast approaching.
Service beyond self, Geisha
|
|
|
Post by geisha on Sept 25, 2009 15:17:36 GMT 8
pahabol...
isang taos-pusong pasasalamat sa lumikha ng site na ito.
hindi man ako taal na San Matean, likas na sa akin ang pagpapahalaga sa ano mang bagay na may kaugnayan ako. at bilang isang social-cultural advocate, media practitioner at marami pang iba, harinawang magiging aktibo akong bahagi ng site na ito. harinawa rin ang site na ito lalo na ang mga nagpo-post dito ay hindi lamang matatali sa salita ang lahat.
ang tunay na empowerment ay ang kabuuang aktwalisasyon ng potensyal ng sarili... na kapag pinagsama-sama at pinagkaisa ay kaakibat ang positibong epekto sa bayang ito at sa bansang ito.
|
|
|
Post by geisha on Sept 25, 2009 15:19:20 GMT 8
hindi ako techie o techno-savvy ngunit tama ang ilan dito na maisasaayos pa ang site na ito upang mas maging user-friendly at kaaya-aya.
kabalintunaan sa official wensite ng san mateo na under construction pa rin sa ngayon.
|
|
|
Post by geisha on Sept 25, 2009 16:54:43 GMT 8
hindi ako techie o techno-savvy ngunit tama ang ilan dito na maisasaayos pa ang site na ito upang mas maging user-friendly at kaaya-aya.
kabalintunaan sa official wensite ng san mateo na under construction pa rin sa ngayon.
|
|
|
Post by geisha on Sept 25, 2009 16:56:25 GMT 8
sorry for the duplication... i mean website sa wensite. he-he-he...
at ang kabalintunaan nito ay katapat lamang ng ATODA terminal ang bahay ng mga Diaz! hmmm...
|
|
|
Post by geisha on Sept 25, 2009 18:59:56 GMT 8
25 Setyembre 2009
Bago lamang ako sa site na ito. Hindi ako taal na San Matean pero likas na saking pagkatao ang pagpapahalaga, paghahanap ng kabuluhan at kahulugan sa mga bagay na may kaugnayan na sa akin. Residente na ako ng bayang ito sa nakaraang 15 taon para sa kaalaman ng lahat at nasa konteksto ang aking pinagmumulang pagpapahayag.
Ngayong araw na ito lamang ako sumapi rito sa kadahilanang ang talagang pakay ko ay ang opisyal na website ng pamahalaang bayan natin. May mga obserbasyon, paglilinaw at mga mungkahi ako sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa bayang ito na nais kong iparating sana sa mga kinauukulan. Ang natagpuan ko ay ang site na ito dahil under construction pa ang opisyal na website ng ating pamahalaang bayan.
Una kong nakita ang batangsanmateo sa sticker na nakapaskil sa tricycle sa aming barangay. Pangalawang engkwentro ko ay ito na nga sa site na ito.
Nang inisa-isa ko na ang mga pahina ng site na ito, malinaw na isa itong neighborhood at alumni organization (na hindi malayong ma-improve pa). Malinaw rin sa akin na ang may-ari ng site na ito ay nasa ibayong dagat. Nagulat lamang ako na may pamunuan pala at sila ay appointed. May mga ideyang umukilkil sa aking isipan.
1) Marapat lamang na pasalamatan natin ang may ideya at lumikha ng site na ito. Kung wala ito, wala tayong venue para ipahayag ang ating sarili sa ano mang usaping apektado ang bawat isa kaugnay ng ating bayan. maganda at malinis naman ang intensyon niya/nila. Lamang ay dahil musmos pa ang site na ito, marami pang positibong pagbabagong puwede nating pagtulung-tulungan mula sa salita hanggang sa aksyon.
2) Sanay na rin ako na sa ganitong mga site na normal na ang mga "bangayang" estilo ng pagpapalitan ng mga pahayag. May kani-kaniya kasi tayong personalidad. Nakapanlulumo lamang na ang estilo ng iba ay tila hindi sibilisado. Hindi kinakailangang may mataas na pinag-aralan para matawag na sibilisado. Oo may tinatawag tayong bugso ng damdamin pero hindi kinakailang magpakaburak para maipahayag natin ang ating sarili. Sana lamang ay maging sibilisado ang ating pagpapahayag. Paano? Huwag muna agad patulan ang mga naisulat na. basahin nang paulit-ulit. Gumawa muna ng burador (draft) na kasagutan. Rebisahin ang burador. Kung may mapagkakatiwalaang tao, ipabasa sa kaniya/kanila at itanong kung ano ang dating ng ating burador. Kung walang gayong tao, maging obhektibo sa sarili at sarili na lamang ang humatol kung sibilisado at nasa punto ang isinulat. Kung sibilisado naman at nasa punto, saka natin i-post.
3) Sa pag-popost naman ay may tinatawag na norms o kalakaran. Karamihan sa atin kasi ay nagpapaka-in sa IT age pero hindi naman tunay na gagap ang naturangang larangan. Ang iba sa atin ay hindi alam na may patakaran din sa pagpo-post. Maipahayag lang ang sarili ay okay na. Maganda naman iyon. At least na-articulate at na-assert ang sarili. Pero paano naman ang sensibilidad ng iba? Kasing-simple na kung may mga batas sa ating paaralan at pamayanan ay may kaukulang patakaran din sa pagpo-post ng messages dito. Ewan ko kung meron ang site na ito. Hindi ko pa makita sa alinmang threads o folders dito. Sa mga egroups na kinaaaniban ko ay may ganoon. Sa ngayon ay may isa akong mino-moderate na gayon. Makakatulong kung maihahabol ang ganitong tagubilin para nasa ayos ang postings. May kaukulang “parusa” ang sinumang sumuway sa mga tagubilin katulad ng warning sa simula hanggang sa pag-alis sa naturang sumuway sa site na ito kung paulit-ulit na ang kanyang pagsuway. Isa ito sa mga nabanggit ko sa (1) na mga pagbabago. Hindi ako techie o techno-savvy kaya sigurado akong makakatulong ang mga IT-knowledgeable.
4) Kung magpapahayag naman tayo, hindi puro nasa negatibo. Hindi masamang purihin ang nagawang maganda, tama at mabuti. Hindi rin masamang pumuna at maglinaw. Pero ang bumatikos nang bumatikos nang wala namang alternatibo o kongkretong mungkahing inihahain ay sukdulan na ng kabalintunaan. Mas makakabuti na kung wala rin lang masasabing mabuti ay manahimik na lamang. Hindi masamang batikusin ang mga kinauukulan ngunit alalahanin nating tayo man ay may responsibilidad bilang mamamayan ng bayang ito.
Ilan pa lamang ang mga ito sa pambungad kong pahayag. Sa abot ng aking oras, kakayahan at availability ng resources ay pipilitin kung maging “aktibo” sa site na ito... hindi lamang sa diwa at salita kundi lalo’t higit sa gawa.
Isang mainit na pagbati sa lahat!
Service beyond self, Geisha
|
|