Aking natagpuan ay isang political blog tungkol sa mga nagawa (na sinasabi sa blog) ng dating mayor ng San Mateo na si Crispin "AMO" Santos at ang mga plano sana niya dito kung nanalo siya noong eleksiyon ng 2007:
Matatandaan na ang kanyang termino ay mula 1992 hanggang 2001.
Paalala: Kaya ko pinost ito rito ay hindi para i-promote ang dating mayor para sa darating na eleksiyon sa 2010. Wala pa naman akong ideya kung sino ang mga posibleng tatakbo sa San Mateo.
Isang personal na opinyon: Nagustuhan ko yung mga plano niya ;D
MGA NAGAWA NI MAYOR CRISPIN “AMO” SANTOS• Si Mayor AMO ay pinagkatiwalaan ng mga negosyante sa Bayan ng San Mateo, nakiisa sila sa kanyang layunin na paunlarin an gating bayan, Sa pamamagitan ng pagbabayad nila ng kaukulang tamang buwis ay tumaas ang koleksyon at pondo ng kaban ng bayan kung kaya’t naisulong ang antas ng pinansyal ng ating bayan mula fourth class category noong 1993 ay nagawa niyang itaas bilang first class noong 1996.
• Dahil na rin sa pinakita niyang galling at katapatan sa serbisyo ay nakuha ni Mayor AMO ang tiwala ng mataas na opisyal ng bansa at sa pakikipagtulungan ng ibat ibang ahensya ng pamahalaan ay maraming mahahalagang pagawaing bayan ang kanyang naipagawa.
A. SAN MATEO – QUEZON CITY BRIDGEAng tulay na ito na mas kilala natin ngayong BATASAN ROAD na personal niyang hiniling sa dating Pangulong Fidel Ramos na hindi naman siya binigo na nagdulot ng malaking ginhawa sa mga motorista at nagbukas ng pinto sa mga mamumuhunan na magnegosyo sa ating bayan at naging susi na rin ng kaunlaran sa ating bayan.
Halaga ng Proyekto – P 210, 000,000.00
B. WIDENING OF BANABA NANGKA BRIDGENoon ang tulay na ito ay 2 lanes lamang kung saan ito ay pinalawak ng 6 lanes na nakabawas kahita papaano sa masikip na daloy ng trapiko sa National Road. Halaga ng Proyekto – P 25,000,000.00
C. KAMBAL – MAARAT ROADAng kalsadang maguugnay sa San Mateo at sa iba’t ibang bayan sa Lalawigan ng Rizal at makakapagpalapit ng biyahe ng mga motorista sa Lalawigan ng Quezon sapagkat ito ay kaugnay ng Marikina – Infanta (Quezon) Road.
Halaga ng Proyekto – 257,000,000.00
D. SAN MATEO PUBLIC MARKETAng pagpapatayo ng bagong palengke para matugunan ang lumalaking populasyon ng ating bayan sa kanilang sapat na pangangailangan ng sariwa at murang bilihin pagbabago ng bagong modelo nito sa dalawang palapag upang maging sentro ng komersiyo ng ating bayan.
Halaga ng Proyekto – P 15,000,000.00
E. IMPROVEMENT OF NATIONAL ROAD (BANABA TO MALY)Sapagkat pinahahalagahan ni Mayor AMO ang motorista at ang mga namamasahe sa pang araw araw na pagbiyahe nila sa ating pangunahing lansangan kaya’t nakipagugnayan siya sa DPWH, DBM at sa Malacañang para sa pondo sa mga sa pagsasaayos ng nasabing pagawain.
Halaga ng Proyekto – P 20,000,000.00
F. SAN MATEO JUSTICE HALLIpanagawa ni Mayor AMO ang bagong gusali sapagkat noong mga panahong iyon ay nakasama sa munisipyo kung kaya’t hiniwalay ito sa isang bago at modelong gusali para matugunan ng maayos na serbisyo ang ng hudikatura sa ating bayan.
Halaga ng Proyekto – P 10, 000,000.00
G. MANILA WATER SERVICE IMPROVEMENTAng pakikipagugnayan niya sa mga opisyales ng nasabing kumpanya upang matugunan ang sapat na pangangailangan natin ng tubig na tinatamasa natin ngayun ang maayos at malakas na supply ng tubig.
H. LAND FOR THE LANDLESS PROGRAMBumili ng lupa sa Brangay Silangan para sa mga kababayan nating walang sariling lupa.
Halaga ng Proyekto – P 3,000,000.00
I. SAN MATEO MUNICIPAL HOSPITALNagpagawa ng Hospital sa Brgy. Gulod Malaya para matugunan ng husto ang pangangailangan nga ting mga kababayang may sakit, ngunit ito’y ginamit lamang na Lying In o paanakan.
Halaga ng Proyekto – P 4,700,000.00
J. ADDITIONAL GARBAGE TRUCKS (3 units Dump Trucks and 5 units mini dump trucks)Ang pagbili ng mga karagdagang truck upang matugunan ang krisis sa basura ng lumalaking populasyon ng ating bayan ng sa gayon malaki ang matitipid sa napakalaking ibinabayad na renta sa mga private hauler sa paghahakot ng basura para dalhin sa Dump Site.
SI MAYOR AMO AY NAGLINGKOD NG
MAAYOS AT MATAPAT SA ATING BAYAN.
ANG KANYANG HINDI MATATAWARANG
PAGLILINGKOD ANG NAGBIGAY NG TUNAY
NA PAG-UNLAD,PAGSULONG AT KARANGALAN
SA BAYANG SAN MATEO
IBALIK MULI ANG ATING BAYAN SA NO. 1
IBALIK NATIN MULI ANG NAGPAUNLAD
SA ATING BAYAN.
IBALIK NATIN MULI SI “MAYOR AMO”
SA PAGBABALIK NG MAUNLAD
AT MALINIS NA SAN MATEO.
MGA PLANO NI MAYOR AMO SA SAN MATEOMarch 24th, 2007 by amosantosMISSIONIsang Bayang may takot sa Diyos, Maunlad, Maipagmamalaki, Mapayapa at may pagkakaisa, Bayang may sapat na edukasyon, Maka-kalikasan, Mamamayan ay nakikiisa at nagtitiwala sa kanyang pamahalaan upang salubungin ang hamon ng makabagong panahon.
VISIONIsang bayang tuloy tuloy ang pag-sulong at pag-unlad, Kakambal sa tagumpay ng bayan ang kanyang mamamayan, Isang Kaunlaran sa makabagong panahon at para sa susunod pang mga henerasyon.
MGA PLANO PARA SA BAYANG SAN MATEOPROGRAMANG PANG-EDUKASYONPamantasang Bayan ng San Mateo * Ang aking matagal na pangarap para sa kabataan, ang pagtatayo ng Pamantasan ng San Mateo upang matugunan ang pangangailangan ng napakaraming mag-aaral sa ating bayan na hindi makapag-aral ng kolehiyo sa taas ng matrikula. Ako’y naniniwala na sa pagtatapos sa kolehiyo ng mga kabataan sa ating bayan, ay magiging isang malaking tulong ito sa ating bayan at sa kanilang pamilya sa gayon maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay. Malaking tulong din ito sa kita ng local na pamahalaan.
* Ang pagtatayo ng karagdagang silid-aralan para sa elementarya at high school para mabawasan ang pag sisiksikan sa bawat Pampublikong Paaralan.
* Ang karagdagang guro sa bawat paaralan para matutukan at matugunan ng wasto ang karunungan ng mag-aaral.
* Ang paglalagay ng karagdagang computer sa bawat paaralan at paglalagay ng pondo sa pagkakabit ng mga internet sa mga computer na malaking maitutulong sa mga mag-aaral lalo’t higit sa Information Technology.
Scholarship Program
* Gaya ng aking nasimulan nooong aking panunungkulan ako ay may sariling pondo para sa hanggang sa sinikap kong magkaroon ng Municipal Scholarship Program. Sisikapin muli nating ipagpatuloy ito at bagkus madagdagan pa ang bilang n gating mga scholar para sa mga kabataang nais mag-aral ngunit walang pangmatrikula.
PROGRAMANG PANGKALUSUGAN* Ang pagbibigay ng ambulasya sa bawat Barangay para mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente sa tuwing may emergency
* Ang paglalagay ng mga bihasang doktor, mga medernong equipment at aparato sa ating pinagawang San Mateo Municipal Hospital, sa Brgy. Gulod Malaya upang magamit ito ng wasto at sa gayon malaki ang maitulong sa ating mga kababayan.
* Ipagpapatuloy ang paglalaan ng mga libreng serbisyong pangkalusugan at libreng gamot sa mga Health Center sa bawat barangay.
* Maglalagay muli tayo ng sapat na Doktor at iba pang Health Workers para matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.
* Sisikapin nating magkaroon ng sariling palikuran ang bawat tahanan, sapakat ako’y naniniwala na ang kalusugan at kalinisan ng isang bayan ay nagsisimula sa sariling tahanan.
INPRASTRAKTURA AT PAGAWAING BAYAN* Gaya ng aking mga nasimulan muling bibigyan ng pansin ang mga pagawaing bayan, muling isasaayos ang mga lansangan, pagpapagawa ng mga tulay, palaruan at maging pagpapatayo ng mga linear park sa tabing ilog at partikular sa Kambal-Maarat Road na magandang atraksyon at pahingahan sa mga naglalakbay.
* Muling pagpapagawa at pagsasa-ayos ng mga drainage system para makaiwas sa madalas na pagbaha sa tuwing sasapit ang panahon ng tag-ulan.
* Ang muling pagpapagawa at pasasaayos ng mga water system para matugunan ang pangangailangan sa tubig.
* Ang palalaan ng pondo para sa pumping station at water delivery truck para matugunan ang pangangailangan sa tubig sa matataas na lugar.
GOVERNMENT CENTER* Ang pagtatayo ng government center, isang lugar kung saan itatayo ang lahat ng mga pampublikong pasilidad ng ating bayan tulad ng Pamantasang Bayan ng San Mateo, San Mateo Sports Complex, Culture & Arts Center, Museum, San Mateo Park, San Mateo Zoo at ibat-iba pang maaring maitayong pasilidad, sa gayon ito’y makaakit ng torismo at mamumuhunan upang maging sentro ng komersyo ng ating bayan.
KALINISAN* Ibabalik natin ang kalinisan at kaluntian sa San Mateo na nagbibigay sa atin ng karangalan noong aking panunungkulan tulad ng pagkakapanalo natin ng grad slam bilang Cleenest & Greenest Municipality of Rizal mula 1997 hanggang 1999.
* Makikiisa tayo sa ating mgakalapit bayan sa ating lalawigan upang makraroon tayo ng common recycling center gayundin ang ilang paraang katanggap-tanggap at maayos na pamamaraan sa pagtatapon ng basura.
* Ang mahigpit na pagpapatupad ng batas para sa kalinisan upang maibalik ang disiplina ng ating mga kababayan sa wastong pagtatapon ng basura.
* Sa pakikiisa natin sa pagkakabuklod-buklod ng mga bayan sa Rizal na makagawa ng isang maayos at matipid na sistema ng garbage disposal ng ating lalawigan na siyang susi sa kalinisan.
PROGRAMANG PANGKABATAAN* Bubuhayin natin ang programang pangkabataan kagaya ng pagpapatayo ng mga palaruan at pagsasagawa ng mga paligsahang pangpalakasan o sport competition upang mailayo ang kabataan sa tukso ng masasamang bisyo.
* Ang pagbibigay ng pansin sa larangan ng sining sa pagkakaroon ng mga paligsahan sa pag guhit, pag-awit, pagsayaw, pag-arte at iba pang mga larangan upang mabigyan pansin ang mga talento ng mga kabataan.
* Ang pagbili ng lupa para tayuan ng palaruan, lalo’t higit sa mga barangay na wala pang covered court.
* Dadagdagan natin ang mga library sa mga bara-barangay upang makatulong sa mahilig magbasa lalo na sa mga out of school youth at gayon din sa mga mahihirap na nag-aaral subalit walang pambili ng aklat.
* Bibigyan natin ng tamang pagsasanay ang mga kabataan sa larangan ng pamumuno o leadership training upang magkaroon sila ng interes na iangat ang kanilang mga sarili at humawak ng mga tungkulin sa gobyerno o pribado man.
PEACE AND ORDER* Pasisiglahin muli ang tulong at suporta na ibinibigay ng Lokal na Pamahalaan para sa Departamento ng Pulisya upang mapag-ibayo ang pagbibigay proteksyon sa mga mamayan.
* Lumalaki ang populasyon ng ating bayan sa hinaharap kung kaya’t bibigyan natin ng karagdagang sasakyan, gamit sa komunikasyon at kagamitang pangkapayapaan ang departamento ng lokal na pulisya.
* Itutuloy ang pakikipag-kaisa sa Kapulsan s bawat Barangay sa aking matagal na krusada laban sa pinagbabawal na droga at sugal.
* Ipagpapatuloy ang mga matibay na ugnayan ng pulisya at sibilyan kasama ang bara-barangay sa pag laban sa masasamang elemento ng lipunan.
TRAPIKO* Ang paglalagay ng mga taong sumailalim sa mga seminar o pag-aaral sa trapiko,m sinanay upang humawak ng gawaing pang trapiko.
* Ang disiplina ng mga motorista ay sisikapin nating maibalik sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng batas trapiko, upang maiwasan pagkakabuhol-buhol ng mga sasakyan sanhi ng mga singitan sa mga lasangan.
* Pakikipag-ugnayan sa foreign contractor sa paggawa ng C-6 (8 lanes) sa pamamagitan ng BOT ( Built Operate & Transfer ) Scheme na siyang mag-uugnay sa South Express Way (Taguig) at sa North Express Way ( Marilao Bulacan ) at dadaan sa San Mateo, Rizal na ang entrance / exit ay sa Patiis St. kakaliwa sa Our Lady of Manaoag Chapel papuntang Batasan Bridge sa Brgy. Banaba at kakanan papuntang Brgy. Maly. Expected start of construction, first quarter of 2008. Kaya magkakaroon na tayo ng bagong kalsada mula Brgy. Maly hanggang Brgy. Banaba. Ang mga dump truck, pribadong sasakyan ay dito na dadaan at magbibigay ng kalutasan sa sobrang trapic sa kahabaan ng Gen. Luna
EKONOMIYA AT NEGOSYO
* Bagamat umaangat ang takbo ng ekonomiya ng bansa ay sisikapin pa rin nating makahikayat ng mamumuhunan para kahit paano ay maka generate tayo ng trabaho para sa ating mga kababayan.
* Noong nasa pwesto tayo ay maraming negosyo ang pumasok sa ating bayan. Iyan ay dahil sa malaki nilang tiwala sa aking pamunuan kung kayat muli nating ibabalik ang kanilang tiwala.
* Ang isang dahilan din ang pagiging parehas ng aking pamunuan sa mga negosyante at patuloy tayong magiging parehas sa lahat, upang mag negosyo ang mga mamumuhunan at magkatrabaho an gating mga kababayan.
LIVELIHOOD & COOPERATIVE PROGRAM
* Ang pagtatayo ng Kooperatiba sa bawat Barangay upang makatulong sa kanilang hanap-buhay at sa ganoon ay maitaas din ang antas ng kanilang pamumuhay.
* An pagkakaroon ng mga Programang Pangkabuhayan sa pakikipag-ugnayan sa ilang sangay na pamahalaan at maging sa pribadong kumpanya na nais magbigay ng hanapbuhay.
* Ilulunsad din natin ang Pera sa Basura Program isang programa sa wastong pagtatapon ng basura kapalit ng pera, upang gawing hanap buhay sa tulong ng Barangay na siyang mamumuhunan.
COMPUTERIZED TRANSACTION* Patuloy kong pahahalagahan ang mga tax payers sila ang bibigyan ko ng pansin at nararapat pagsilbihan ng mabilis, maayos at tapat na sistema.
* Ang pagpapabilis ng serbisyo sa pamamagitan ng Mayor’s Permit and Licensing Information System. Ito ay ang lugar kung saan naroon na ang lahat hinggil sa transaksyon na kailangan sa Pamahalaang Bayan. Ito ay pinasimpleng paraan ng pagbabayad ng kahit anong transaksyon sa pamahalaang bayan sapagkat lahat ng proseso ay computerize kung kaya’t mabilis at makaiiwas sa anumang anumalya.
LAND FOR THE LANDLESS PROGRAM* Noong aking panunungkulan ay bumili tayo ng lupa sa Brgy. Silangan para sa mga walang sariling lupa, muli nating itutuloy ang mga ganitong programa para sa dumarami nating mga kababayang walang sariling lupa at tirahan.
* Ipagpapatuloy muli natin ang pakikipagtulungan sa nakatataas na pamahalaan upang matugunan ang problema sa pabahay.
PROGRAMANG PANG-AGRIKULTURA* Ang muli nating pagtulong sa mga kababayan nating magsasaka sa kanilang pangangailangan pangsakahan.
* Ang pagbibigay ng mga alternatibong hanap-buhay sa mga magsasaka sa pag-kaubos ng kanilang mga taniman at sakahang lupa sa pagdami ng mga subdivision s ating bayan.
* Ang pakikipagugnayan sa ibat-ibang bayan para sa mga kaalaman teknolohiya at iba pang programang pang-agrikultura na maaring ipatupad sa ating bayan.
Source -
amosantos.blog.friendster.com/