|
Post by hirolionheart on May 7, 2009 6:18:41 GMT 8
Maganda naman pala ang plano tungkol dito sa sanitary landfill. sana lang magkaroon lagi ng information dissemination gaya ng ginagawa ng municipal government including mayor Paeng himself, para hindi misleading yung mga informations na nakukuha natin. madalas sila sa ibat-ibang barangay para ipaalam sa mga tao ang kagandahan ng proyektong ito. bakit hindi natin bigyan ng chance? Yup, sang-ayon ako sa'yo expeditus. Hindi naman kasi puro negatibo na lang ang nakakabit sa salitang "landfill". Dapat nga lang lagi itong nasa tamang operasyon. Ang nakikita ko ring nagiging problema nito ay ang maagang pagpapa-alam bago ito planuhin at patuloy na pagbibigay impormasyon (information dissemination) pagkatapos nitong itayo sa mga environmentalists, mamamayan ng Metro Manila at San Mateo lalo na ng mga residenteng malapit sa lugar ang tungkol sa paraan ng operasyon, kahalagahan, at kakayahan ng bagong sanitary landfill.
|
|
|
Post by skymomo on May 18, 2009 21:39:49 GMT 8
Yup , sang-ayon din ako na hindi puro negative kasi magiging malaking tulong ito sa ekonomiya ng san mateo, imagine if we compare to the rate of rodriguez landfill na P500/truck: and according to the news i heard on TV5 na San Mateo landfill can accomodate 300-500 trucks a day.
P500 /truck X 300 (minimum no. of trucks it can accomodate )/day = P150 K /day
P150 K per day X 5 days per week = P750 K per week
P750K per week X 52 weeks per year = P 39 M per year
In the smallest estimate million ang kita rito. Kaya lang aanhin mo ang pera kung buhay at kalusugan naman ang nakataya. Sa isang news sa TV5 ipinakita na merong sapa or batis na malapit sa landfill at meron konting residente malapit sa site. Sinukat din ng Timberland ( Filinvest ) kung gaano kalapit ung site sa kanila using GPS at lumalabas na around 0.9 Km ito.
I dont know kung sinong paniniwalaan ko pero for me OK lang ang landfill project bastat hindi nasasangkalan ang kalusugan ng mamamayan especially my fellow San Mateans.
|
|
|
Post by hirolionheart on May 20, 2009 18:20:45 GMT 8
^^^ Whoa! Ang laki nga ng kikitain ng pamahalaan ng San Mateo diyan sa Sanitary Landfill Tama, dapat hindi ito magkaroon ng masamang epekto sa kalikasan at sa mga residente ng San Mateo lalo na ang mga malalapit dito. Isa pa, ang lahat ng kikitain dito ay dapat mapakinabangan ng karamihan at hindi ng iilan lang...
|
|