|
Post by Slazh Webmaster on Apr 17, 2008 15:24:01 GMT 8
This thread will showcase your views, comments and suggestions about San Mateo, Rizal.
|
|
|
Post by mulat diwa on Apr 17, 2008 23:26:14 GMT 8
madumi. super traffic. maalikabok. mainit. masikip. mabaho ang hangin dahil sa basura. patay ang ilog. and the local government, they paint the whole town blue. ano p ba?
sa totoo lang, hindi ito ang san mateo na kinalakihan namin. dati ang tumana ay napaka linis. ngayon, wala nang tumana....
nasa singapore ako ngayon, isa sa mga ofw na nagsusumikap para magkaroon ng magandang kinabukasan at binibigyan ang aking sarili ng oportunidad na makapamuhay sa isang first world country.. nang dumating ako di, di ko lubos maisip bakit di magawa ng pilipinas ang pagandahin ang paligid at paunlarin ang kabuhayan ng mga mamamayan. nakakapanghinayang! sana matuto tayong magtulong tulong (gobyeron at mamamayan) para paunlarin ang ating bayan. wag nating sayangin ang ating likas na yaman sa mga walang kabuluhang bagay. sana din ay gamitin ng gobyerono ang ating mga taxes sa tamang proyekto. sana may library din tayo na puno ng bagong mga libro, play ground na pwedeng paglaruan ng mga bata, kalsada na walang lubak at trapik, hangin na malinis at di malagkit at mabaho, ilog na pwedeng paglanguyan at panghulihan ng isda, maluwag na kalye, mga taong sumusunod sa batas trapiko, walang squater, walang tambay, walang corrupt na local government, paaralan na nasa tamang lokasyon...napakarami pa....
|
|
|
Post by batangsanmateo on Apr 18, 2008 15:43:13 GMT 8
Hello Mulat Diwa,
Thanks for sharing us your views and comments about our town. May I invite you also to register online para naman dumami tayong mga Batang San Mateo. Thank you!
|
|
|
Post by Sg4PR on Apr 22, 2008 2:36:21 GMT 8
@mulat - di ka naman galit nyan? Kudos to you Singa-Pinoy for seeing the bad sides of our hometown. However, I dont think it could create a positive outlook of our town by just throwing "batikos" to our govt. Walang saysay kapatid. May magaganda rin namang nangyayari sa San Mateo pero yung negatibo lang ang madalas na nakikita natin. Pinas & Singapore has a VERY BIG difference. Mahirap pagkumparahin. SG is a multi-cultural, multi-racial environment comprising people from all walks of life. Being just a little red dot in the map with only 4.48 milion population, it's easy to maintain, manage and control. Out of 90 million population of Pinas, 11.5 Million of it is concentrated in Manila alone. Sa laki ng bilang na yan, kahit sinong umupo sa gobyerno e matotorete. Saka iba talaga ang kultura ng gobyernong Pilipino. Kahit sinong umupo, tatayo at tatayo ng may bahid ng dumi ang pagkatao. Kultura na yan eh. May malinis pa bang pulitiko? Ewan ko... siguro. Just imagine, 2 families with 12 and 2 siblings respectively. Pano nila palalakihin ang mga anak nila? Think of the difference. ... teka OT na ba ko? If so, sorry po sinagot ko lang yung issue sa gobyernong tinukoy mo. Ok lah, peace tayo meh? Cheers! Baron o Tiger? - Batang Sta. Ana SMR - Batang North-SG / Sengkang
|
|
|
Post by ayzha on May 7, 2008 14:04:05 GMT 8
Hello Mulat Diwa, Thanks for sharing us your views and comments about our town. May I invite you also to register online para naman dumami tayong mga Batang San Mateo. Thank you! May i ask how can you promote your website to our fellow San Mateions? i just found this site kc ng hhanap me ng resort within San Mateo... Thanks more power!
|
|
|
Post by Woohoo on May 10, 2008 9:51:55 GMT 8
I agree with mulat diwa ;D traffic, masikip, maalikabok, patay ang ilog i think the reason why they painted the town because that's the color of our BELOVED mayor walang corrupt na government SANA NGA!!!!! mismong sa loob meron MANDATORY EMPLOYEES MUST RESIGN!!!! ahaha actually the cost of traffic is the volume... sobrang maliit n ung kalsada and base on my experience... maraming traffic enforsers ang pasaway ^_^ sorry sa natamaan JUST BE TRUE nlng meron ngang iba feeling magaling di naman YUCK kadiri di tayo aasenso kung mismong yung iba dyan nanlalalaglag FRAGMENTALITY, INSECURITY di na maalis sows naman ;D
|
|
|
Post by isabelle on May 12, 2008 15:39:08 GMT 8
ang masasabi ko lang merong kagandahan din ang san mateo at naniniwala akong magiimprove pa ang kabuhayan ng mga taga san mateo.. kahit madaming negatives na maririnig, still many of us still hoping na pwede pa natin ipagmalaki na dito pa rin tayo nakatira... nasa inyo naman yan kung ipagmamalaki mo or lalaitin mo ang lugar kung san ka nagmula... madami ng nagbabago or let me say na nagiimprove like may bago ng tayo na hospital near bgy.banaba, and new establishments.. dont just stick with the heavy traffic, maalikabok, mainit, masikip or mabaho ang hangin.. oo totoong ganun talaga, nagiging traffic kasi madami ng nakatira sa san mateo, madami ng tao kaya masikip, maalikabok kasi daanan ng mga malalaking truck from the quarry site near patiis or from montalban. mabaho ang hangin kasi aminin natin na some of the people live here were not educated enough about the proper waste disposal. kahit mga basurero ay nakakalimutan na maghakot ng basura sa mga residente ng san mateo kaya ang ibang tao ay sa bakanteng lote o ilog nagtatapon kaya nagiging mabaho ang kapaligiran. masikip kasi most of the roads sa san mateo are under maintenance kasi my nilalagay na water pipe by the Maynilad Water. or ibng sirang kalsada dahil nabakbak na.. etc., cgro ang main cause ng problema is the government and the people of San Mateo... kasi kung walang magrereklamo walang magiging aksyon... pero dahil nga ganito halos ang problema ng ibang lugar siguro nasa panunungkulan ng gobyerno ang makakasulusyon ng mga ito kung paano nila pagagandahin at pauunlarin ang bayan natin... pero kahit ganito ang lugar na kinalakihan ko... proud pa din ako kasi dito ako nagkamulat sa halos lahat ng bagay... suggest na lang ako sana sa government ng ampid na mag organize sana ang environment committee about sa global warming sa mga barangay ng ampid para maging aware sila sa nangyayari sa ating mundo thanks po for reading my post
|
|
carol of tierra monte
Guest
|
Post by carol of tierra monte on May 15, 2008 10:55:22 GMT 8
I am a resident of Tierra Monte since 1994. lagi na lang ang problema namin ay : tubig, sasakyan, BASURA.
calling the attention of barangay captain alex laureta, pang ilang term nyo na po ba? bakit hanggang ngayon, ang konti lang ng nakikita kong pagbabago sa brgy. silangan...gumising naman kayo. bakit ang pagkuha ng basura sa tierra eh once a week lamang...at ang mga truck nahihiyang bumusina. kelangan pa namin umikot, maglakad palibot sa subdivision para malaman kung may truck ng basura? e paano po kung nagtratrabaho naman kami at wala sa bahay...? kaya namamantot ang lugar natin....hindi pa sigurado kung may dadaan na basura sa loob ng isang linggo, hindi regular ang araw....ano po ba ang dapat gawin? baka kelangan na nman kayong ma IMBESTIGADOR.
MAGANda po sana ang tierra, kaya lang nakakabwiset lahat ng namumuno...lalo na yung dumugas ng pera ng homeowners association na parang tomboy...alam na ng mga taga tierra yan. Bakit hindi pa nakukulong yang hayop na yan.
sana mabasa naman ito ng mayor. pakigawan naman ng paraan, tuwing eleksiyon lang ata kami naaalala...andito pa naman kami sa pinakatagong lugar?
kung di po ninyo kaya, ibigay niyo na lang kami sa marikina.
salamat sa gumawa ng website na ito. sana makarating sa kanila...magbasa man lamang sila. at aksiyonan naman.
|
|
|
Post by StExpeditus on May 28, 2008 11:24:20 GMT 8
San Mateo is a progressive town. Kailangan lang natin magtulung-tulong at disiplina para makamit natin ang full potential para sa ating bayan. Simulan po natin sa ating mga sarili..
|
|
|
Post by Gerardo Soberano on Jul 15, 2008 7:23:05 GMT 8
This thread will showcase your views, comments and suggestions about San Mateo, Rizal. Magandang araw fellow San Mateonians!! Sa aking mga nababasa at nakikita dito sa Batang San Mateo website ay malaki na rin ang inunlad nito. Dati ay dalawa lang ang highschool ang D.A.H.S. at ang Silangan High School, na sa aking pagkaka-alam ay nasa ilalim pamamahala Quezon City. Marahil ngayon ay hindi na. Ang D.A.H.S. ay isang private kaya marami sa aking kakilala sa Maly ang hindi nakapag-high school dahil sa kasalatan at ang iba naman ay sa mga karatig lugar na may eskuelahang pam-publiko katulad Marikina at Quezon City. bagamat ang Silangan ay isang public school kailanngan mo pang tumawid ng ilog kaya doble pamasahe jeep at bangka. Ngayon ang gustong mag-aral ay makakapag-aral na. ako ay natuwa ng makita ko na may college na rin pala ang San Mateo. Sana ay umunlad pa ng husto ang ating bayan.
|
|
|
Post by Slazh Webmaster on Jul 16, 2008 1:44:51 GMT 8
Tama kayo Sir Soberano, makikita nyo ngayon sa photo gallery na napakarami ng mga schools, private and public, sa San Mateo ngayon, tanda ng pagasenso na ating bayan. Sa kunting panahon na lang ay makikita pa natin ang improvement ng ating bayan, at dito mismo sa website ay makikita nyo ang lahat ng pagbabago, lalo na ngayon na meron na tayong mga officers na magbubuo ng maraming committees. Salamat po sa inyo comment Sir at asahan nyo na sa pamamagitan ng Batang San Mateo website ay ipaparating namin sa lahat ang anumang development sa ating bayan.
|
|
ang tunay na batang san mateo
Guest
|
Post by ang tunay na batang san mateo on Jul 22, 2008 7:13:13 GMT 8
San Mateo is a progressive town. Kailangan lang natin magtulung-tulong at disiplina para makamit natin ang full potential para sa ating bayan. Simulan po natin sa ating mga sarili.. I must agree to this. Lahat ng mga problema di lang ng ating bayan kundi ng ating bansa ay ang disiplina sa sarili at higit ryan ay ang pagmamalasakit sa bayan. Bakit marumi sa ating paligid? Dahil sa mga taong walang disiplina.Umpisahan natin sa ating sariling bakuran ang kalinisan at itigil ang pagpasa ng sisi sa lokal na gobyerno. Alam na nating lahat ang ating responsibilidad sa ating sarili at komunidad. Kung ayaw ninyong ng makalat na kapaligiran, mag-segregate kayo at wag itapon kung saan saan ang inyong mga basura. Kung ayaw nyo ng maruming kapaligiran, linisin ninyo ang harapan ng inyong bahay. Huwag tayong parating umasa sa ibang tao upang linisin ang ating kalat. Maraming mga negatibong epekto ang maruming paligid at kahit ang mga Gr. 1 ay alam ito. "Kailangan pa bang imemorize yan?"...mga kababayan, UMPISAHAN NATIN SA ATING MGA SARILI.Bakit ma-traffic? Dahil sa mga tao at motoristang walang disiplina. Bakit tumitigil sa maling lugar ang mga sasakyang pampasahero? Dahil sa mga taong ayaw mag-lakad ng malayo. Di po ba ikakabubuti ng ating katawan ang paglalakad? Kaya maraming matataba ngayong tao, tamad maglakad. Kaya wag po nating isisisi ang trapiko sa lokal na gobyerno. Bakit may mga traysikel na wala sa ruta? Dahil rin sa mga tamad na tao. Ganon lang yon..chain reaction. Bakit di tayo mag-abang sa tamang abangan? Maraming rason kung bakit matrapik. Alam naman natin tiyak kung anu-ano ito. Marami nang sasakyan dahil marami nang tao sa ating bayan. Hindi pa bilang rito ang mga nakikiraan galing Montalban at Marikina. Hindi man likas na maiibsan ang trapik, ngunit makakabawas kung displinado tayo bilang pasahero o motorista. Isa pa, bakit reklamo tayo ng reklamo kapag trapik? Napapansin ba ninyo kung walang trapik? Ang punto ko rito ay ang positibong pag-iisip. UMPISAHAN NATIN SA ATING MGA SARILI.Bakit patay ang mga ilog natin? Dahil sa mga taong walang disiplina.Bakit ang daming basura sa mga ilog? Dahil dito tinatapon ng mga tamad na tao ang kanilang mga basura. Bakit namamatay ang ating ilog? Dahil ang ibang mangangalakal ay dito itinatapon ang kanilang mga dumi rito. Kaya wag po nating ibunton sa ating lokal na gobyerno ang sisi kung bakit marumi o patay na ating mga ilog. UMPISAHAN NATIN SA ATING MGA SARILI.Sa mga makakabasa nito, "Batu-bato sa langit, tamaa'y wag magalit." Ako po lamang ay nagsasabi ng aking opinyon. [ i]Dahil nakakapagod nang makabasa at makarining ng mga reklamong alam nating isa rin tayo sa sanhi. [/i][/color]Ating gawin ang ating responsibilidad bilang mamamayan. Tigilan na natin ang pagbunton ng sisi sa iba. [glow=YELLOW,2,300]UMPISAHAN NATIN SA ATING MGA SARILI.[/glow]Kung gusto nating umasenso di lang ang ating bayan, kundi pati ating bansa ay umpisahan natin ang disiplina sa ating mga sarili. Itigil ang pagrereklamo lalo na kung wala kayong ginagawang pagtulong ukol rito. Huwag tayong mapang-husga. Tanungin natin ang ating mga sarili kung ano ang ating mga nagawa upang mapabuti ang ating komunidad. Kung may nagawa na tayo at wala pa ring nangyari, at saka nating sisihin ang ating lokal na gobyerno. Kung wala pa naman ay.. UMPISAHAN NATIN SA ATING MGA SARILI. At gaya ng nababasa natin sa ating nadadaanan: BAYAN KO SAN MATEO MAHAL KO.Sa webmaster, sana ay hindi nyo po i-delete itong post ko. Nais ko lamang iparating sa ating mga kababayan na di solusyon ang manisi ng iba kundi ipaalala sa kanila ang ating responsibilidad bilang mamayan sa ating komunidad.
|
|
ang tunay na batang san mateo
Guest
|
Post by ang tunay na batang san mateo on Jul 22, 2008 8:26:57 GMT 8
sa kadahilanang masayado po akong nadala ng akong damdamin--erratum: SAN MATEO BAYAN KO MAHAL KO
|
|
|
Post by Slazh Webmaster on Jul 23, 2008 22:29:42 GMT 8
Please check the BAYAN KO, MAHAL KO banner published in the mainpage of Batang San Mateo website....
|
|
|
Post by Slazh Webmaster on Jul 23, 2008 22:33:31 GMT 8
Para sa tunay na Batang San Mateo, don't worry coz i respect your honest opinion kaya hindi ko idedelete ang mga sinabi mo dito. Korek ka rin naman, dapat simulan natin sa ating sarili ang disiplina upang ang buong bayan ay gumanda, maging malinis at mawala ang traffic. Maraming salamat.
|
|
buboy
New Member
Posts: 5
|
Post by buboy on Aug 27, 2008 12:39:06 GMT 8
San Mateo, Rizal. A place where I grew up. Sabi ng Marami: ANG LAYO, ANG SIKIP NG DAAN, TRAFFIC, MABAHO, and so many negative reactions pag sinabing San Mateo, Rizal.
Para saken, It's the place where I can be proud na sabihin na "taga riyan ako".
I will not elaborate my reasons. But it reflects HUMILITY para saken.
Let's just keep our head down, and let's do something that can build up our town.
Sa pinaka simple at sa pinakamalaking pwede magawa.
I'm dreaming something BIG for our town. Let's think BIG. think SAN MATEO. hehehe...
|
|
|
Post by Pretty Boy on Aug 27, 2008 13:58:38 GMT 8
Bakit kaya may mga tao na hindi na nakontento kung ano ang meron sila?
Bakit kaya lagi na lang nilang pinupuna ang kakulangan sa ating bayan pero pag may magandang nagawa eh hindi nila napupuna?
Sila ba naman eh tumutulong sa atin bayan? Eh baka pati basura nila eh di man lang nila maitapon ng maayos or ma-segregate? Sila ba naman ay nagbabayad ng taxes nila?
Bakit hindi kaya sila magisip ng bagay na makakatulong sa ating bayan instead na punahin or pintasan ang kakulangan ng iba?
Para sa akin, sana ay makontento at maging masaya na lang tayo kung anong meron tayo.
Yun lang po ang pananaw ko! Salamat po!
|
|
|
Post by star apple on Sept 2, 2008 23:32:42 GMT 8
Magandang araw sa inyong lahat!
Kudos sa nag-compose ng kanta sa website na ito! Magaling! Reminds me of my childhood days in the early 80's. San Mateo way back then was a very nice, clean and peaceful place. Nakakalungkot tingnan ngayon pero ano ba meron dati?
Ayon sa kanta, 1) Nasan na nga ba si Ngiti? Siya lang ang litratista dito bukod kay Carmelo. Mura ang pakuha kaya suki kami sa black and white 1x1 and 2x2 na litrato. Mahal pa kasi ang colored nun. Tanda ko pa sa mga graduation ceremonies, pag may red na ribbon ka, siya ang kukuha ng picture mo! 2) Ang lumang munisipyo. Ang ganda ng architecture. Suitable for a hot climate like ours. Sino nga ba ang nagpagiba nito? Di ba nila naisip ang historical value nito? Magkano kaya kuryente binabayaran ng municipal "mall" ngayon? 3) Ang lumang plaza na walang bubong? Si Ynares ang may kasalanan ng lahat ng yan! Lintek na Ynares type buildings.
Ang mga ibang magagandang bagay na wala sa kanta, 1. Ang lumang simbahan sa Guitnang Bayan. National Heritage nasan ka na? Fr. Arnel, bakit ka ba namin pinayagan gibain ang lumang simbahan? 2. Ang maluwag na palengke sa Guitnang Bayan I. Dati walang palengke sa M.H del Pilar St. Pero sapul nung ni-renovate e hindi na naalis sa daan ang mga tindero. Pati patio ng bahay ng kamag-anak namin, naging palengke na rin. 3. Ang maluwag na tumana sa likod ng Dona Aurora High School. Natibag na lang. Tanda ko pa yoong mga nag-CAT dati. Magaling ang parade and review nila lalo na nung si Mr. Batalla at Mr. Diaz pa ang nagtuturo sa kanila. Nakakamiss ang samalamig na tinda dati, banana-Q at kamote-Q. Dun pala kami naglalaro dati kahit dun sinusuga ng mga pamilya Manuel at Bagyo ang kanilang mga kalabaw! 4. Ang tindahan ni Aling Toyang sa Sta. Ana. Dun kami bumibili ng Manila Paper at popcycle sticks. 5. Si Tia Saring at yoong tindahan na tinatawag na "Freezer". Dun lang dati may yakult at Magnolia Ice Creme. 6. Ang pandisal ni Kuteteng. Da-best talaga hanggang ngayon. 7. Ang Primablend. Unbeatable. 8. Banda ni Dr. Cristi. Magagaling ang members at magaganda mga majorette. 9. Ang mga santo sa prosisyon, walang kapantay lalo na yoong mga unang batch ng santo. 10. Ang Ampid nung wala pang trapik. Kelang nga ba yoon. Tanda ko nagsimula ang trapik dyan pagkatapos ayusin yoong tulay nung 1990. 11. Ang Nuestra Snra de Aranzazu nung 2-storey pa lang sya. Tanda ko pa nung inabot kami dun ng lindol nung 1991. 12. Burger Machine at Top Grocer. Tanda nyo pa ba to? Yoong McDonald's dati, Burger Machine un. 13. Yoong tindahan ng Galano Family sa tabi ng Dona Aurora. Dun kami dati bumibili ng Champoy pati stationary. Uso kasi dati-trading ng stationaries at mga pabango nito. nuts! matanda na ata ako, nakalimutan ko na tawag dun! 14. Yoong lumang bahay ng mga Amado sa kanto ng municipyo. Mabuti di giniba. Makikita nyo yoon sa likod ng Jollibee. 15. Pastillas ni Tiya Kayang at Aling Baby. 16. Nakakamiss pag-bumabagyo at umaapaw ang ilog! Naglutangan lahat ng mga bagay na di mo gustong makita. 17. Rizal Poultry dun sa kinatatayuan ng BPI. Dun kami bumibili ng itlog dati. Yoong bahay ng mga Angeles dun sa may Metrobank. Tanda ko pa ang mataas na bakod dun sa parang hunted house na bahay. 18. Bahay ng mga Diamante. Tanda ko na may pharmacy si Tiya Idad dun. 19. Basket ball court sa kinatatayuan ng Dona Isabel Building. 20. At higit sa lahat, konti pa lang ang mga motorsiklo dati na nagiging sanhi ng accidente ngayon.
Hay....pakinggan nyo na lang ang kanta!
|
|
|
Post by star apple on Sept 3, 2008 0:01:18 GMT 8
Magandang araw sa inyong lahat!
Kudos sa nag-compose ng kanta sa website na ito! Magaling! Reminds me of my childhood days in the early 80's. San Mateo way back then was a very nice, clean and peaceful place. Nakakalungkot tingnan ngayon pero ano ba meron dati?
Ayon sa kanta, 1) Nasan na nga ba si Ngiti? Siya lang ang litratista dito bukod kay Carmelo. Mura ang pakuha kaya suki kami sa black and white 1x1 and 2x2 na litrato. Mahal pa kasi ang colored nun. Tanda ko pa sa mga graduation ceremonies, pag may red na ribbon ka, siya ang kukuha ng picture mo! 2) Ang lumang munisipyo. Ang ganda ng architecture. Suitable for a hot climate like ours. Sino nga ba ang nagpagiba nito? Di ba nila naisip ang historical value nito? Magkano kaya kuryente binabayaran ng municipal "mall" ngayon? 3) Ang lumang plaza na walang bubong? Si Ynares ang may kasalanan ng lahat ng yan! Lintek na Ynares type buildings.
Ang mga ibang magagandang bagay na wala sa kanta, 1. Ang lumang simbahan sa Guitnang Bayan. National Heritage nasan ka na? Fr. Arnel, bakit ka ba namin pinayagan gibain ang lumang simbahan? 2. Ang maluwag na palengke sa Guitnang Bayan I. Dati walang palengke sa M.H del Pilar St. Pero sapul nung ni-renovate e hindi na naalis sa daan ang mga tindero. Pati patio ng bahay ng kamag-anak namin, naging palengke na rin. 3. Ang maluwag na tumana sa likod ng Dona Aurora High School. Natibag na lang. Tanda ko pa yoong mga nag-CAT dati. Magaling ang parade and review nila lalo na nung si Mr. Batalla at Mr. Diaz pa ang nagtuturo sa kanila. Nakakamiss ang samalamig na tinda dati, banana-Q at kamote-Q. Dun pala kami naglalaro dati kahit dun sinusuga ng mga pamilya Manuel at Bagyo ang kanilang mga kalabaw! 4. Ang tindahan ni Aling Toyang sa Sta. Ana. Dun kami bumibili ng Manila Paper at popsicle sticks. 5. Si Tia Saring at yoong tindahan na tinatawag na "Freezer". Dun lang dati may yakult at Magnolia Ice Creme. 6. Ang pandisal ni Kuteteng. Da-best talaga hanggang ngayon. 7. Ang Primablend. Unbeatable ang sans rival, cup cake at french bread. 8. Banda ni Dr. Cristi. Magagaling ang mga miyembro ng banda at magaganda mga majorette. 9. Ang mga santo sa prosisyon, walang kapantay lalo na yoong mga unang batch ng santo. 10. Ang Ampid nung wala pang trapik. Kailan nga ba yoon? Tanda ko nagsimula ang trapik dyan pagkatapos ayusin yoong tulay nung 1990. 11. Ang Nuestra Snra de Aranzazu nung 2-storey pa lang sya. Tanda ko pa nung inabot kami dun ng lindol nung 1991. 12. Burger Machine at Top Grocer. Tanda nyo pa ba to? Yoong McDonald's dati, Burger Machine un. 13. Yoong tindahan ng Galano Family sa tabi ng Dona Aurora. Dun kami dati bumibili ng Champoy pati stationary. Uso kasi dati-trading ng stationaries at mga pabango nito- yoong maliliit na iba-iba ang kulay na pumapasok sa ilong? Nuts! matanda na ata ako, nakalimutan ko na tawag dun! 14. Yoong lumang bahay ng mga Amado sa kanto ng municipyo. Mabuti di giniba. Makikita nyo yoon sa likod ng Jollibee. 15. Pastillas ni Tiya Kayang at Aling Baby. 16. Nakakamiss pag-bumabagyo at umaapaw ang ilog! Naglutangan lahat ng mga bagay na di mo gustong makita. 17. Rizal Poultry dun sa kinatatayuan ng BPI. Dun kami bumibili ng itlog dati. Yoong bahay ng mga Angeles dun sa may Metrobank. Tanda ko pa ang mataas na bakod dun sa parang hunted house na bahay. 18. Bahay ng mga Diamante. Tanda ko na may pharmacy si Tiya Idad dun. 19. Basket ball court sa kinatatayuan ng Dona Isabel Building. 20. Konti pa lang ang mga dayo sa lugar natin, kaya magkakakilala pa ang mga tao dati. 21. At higit sa lahat, konti pa lang ang mga motorsiklo dati na nagiging sanhi ng accidente ngayon.
Hay..... sa mga nakaka-alala sana ay napangiti ko kayo. sa mga may sagot sa tanong ko, paki-sagot na lang ha! naway pagpalain ang bayan natin.
Let us not paint the town blue!
|
|
|
Post by Joselito L Lema on Sept 6, 2008 8:56:39 GMT 8
Hi star apple!
Thanks sa compliments ha.. your right. ang dami pang hindi nalagay sa kanta ng Batang San Mateo. hehehe..
U made me smile..
I'm one of the member dati ni Dr. Cristi.. And I also missed yung Nursery sa likod ng Doña aurora.. nakakalungkot.. pero talagang ganon.hehehe..
Hope we can meet Star Apple para matulungan mko gumawa ulit ng Lyrics ng BAtang San Mateo.
Ingat!
|
|
|
Post by Gerardo Soberano on Sept 10, 2008 15:59:50 GMT 8
magandang umaga sa lahat ng mga taga San Mateo. especially mga taga Maly.
Naa-alala ko ang tindahan ni Aling Toyang na malapit sa D.A.H.S nauubos ang baon kong pera sa pa-bunot. Ang nursery sa likod ng Dona Aurora na may puno ng lime, sinipa ako ng kabayong nakasuga doon, buti na lang naka-ilag ako. Tanda ko may laruan doon ng soccer. At ang basketball-an sa Plaza ay napakadulas, lalo na pag kau-ulan pa lang. nalimutan ko na yung pangalan ng goto-han na malapit sa Candle Light iyong may juke box at tambayan ng mga lakwatserong katulad ko at saka iyong arkilahan ng komiks sa tabi ni Ngiti.
|
|
|
Post by sultrykitty on Nov 7, 2008 14:26:01 GMT 8
what else but super traffic.
isa pa sa kinaiinis ko(bagama't mas concern dapat ang mga may-ari dito) bakit kaya ang mga trycycle,motor,bike, gustong gustong pumarada sa harap ng mga groceries(budgetlane,jaynits,grocerE,mr.suave) nakabalandra sila sa mismong entrance ng pamilihan. hindi ka na makapasok..wala kang madaanan.. kulang na lang ipasok sa loob ang sasakyan nila. madalas maiipit ka para lang makalabas o makapasok. kapag dadaan ka sa harap ng jaynits(for example) walang sidewalk kang madaanan..ang siste,sa hi-way ka dadaanan. OMG, madalas muntik na kong mahagip ng sasakyan na dumadaan sa hi-way. Anu ba nmn yan?!? kawawa nmn ang mga pedestrian. <_<
|
|
|
Post by hirolionheart on Nov 7, 2008 21:14:52 GMT 8
what else but super traffic. isa pa sa kinaiinis ko(bagama't mas concern dapat ang mga may-ari dito) bakit kaya ang mga trycycle,motor,bike, gustong gustong pumarada sa harap ng mga groceries(budgetlane,jaynits,grocerE,mr.suave) nakabalandra sila sa mismong entrance ng pamilihan. hindi ka na makapasok..wala kang madaanan.. kulang na lang ipasok sa loob ang sasakyan nila. madalas maiipit ka para lang makalabas o makapasok. kapag dadaan ka sa harap ng jaynits(for example) walang sidewalk kang madaanan..ang siste,sa hi-way ka dadaanan. OMG, madalas muntik na kong mahagip ng sasakyan na dumadaan sa hi-way. Anu ba nmn yan?!? kawawa nmn ang mga pedestrian. <_< Oo nga eh, nakabalandra sila... Siyempre, para raw makakuha kagad ng mga pasahero nila... Maliit na kalsada na naman ang dahilan... tsk tsk tsk...
|
|
Tambay noong dekada otsenta
Guest
|
Post by Tambay noong dekada otsenta on Nov 20, 2008 4:53:53 GMT 8
@gerardo hehehe yung gotohan ba ni Aling Sioning yung tinutukoy mo? Ganda dati ng plaza parang ang sarap huminga pag andon ka dahil walang bubong. Pag gabi at gusto naming mag-basketball kahit walang fuse yung box napapailaw namin Yung bilyaran dati sa kanto, kay Patchie ba yon, Digitel na yata o SSS. Yung Max (wala na yata doon) dating sikat sa tawag na tindahan ni Victoria. Anong balita kay ever strict Mr. Oscar batalla? Atty na ba? Kilala nyo si Pepot na gala? Si Berto na laging present pag may ililibing? Parehong may sayad... Buhay pa kaya sila?
|
|
|
Post by Gerardo S Soberano on Nov 20, 2008 18:38:08 GMT 8
Maraming salamat Tambay Ng Dekada Otsenta: sa pagsagot mo sa aking tanong. Tungkol naman kay Mr. Batalla ay matagal na akong walang naririnig na balita. Tama ka T.N.D.80, ang higpit nga niya natatandaan ko pa nuong security guard pa lang siya ay naku! napakahigpit at rinig ko ay napaka-strict na teacher (hindi ko kasi siya naging teacher) kasi nasipa ako sa D.A.H.S. May tanong ako sa iyo natatandaan mo pa ba si Miss Arcilla yoong teacher ng social studies nakakatawa iyong monicker niya regarding her cheeks (ayokong isulat dito at baka balibagin ako noon ng demanda). siya yuong galit na galit sa akin ewan ko ba kung bakit? mabait naman ako he he heh. pakibalitan mo naman ako tungkol sa kaniya at kay Mrs. Vicente na kahit na strict ay hindi naman ako binigyan ng bagsak na marka Si Miss Josef na teacher ng Pilipino na pag hindi ka nakagawa ng homework ay hihiyain ka na iba-baba ang zipper mo sa harap ng klase, hindi niya rin ako ibi-nagsak. tungkol naman kay Pepot at Berto ay hindi ko kilala ang mga taong iyon kasi ako ay taga Maly. Iyon namang may-ari ng Candle Light ay dati kong kaklase, iyong kambal ang pangalan ay Ariel. Marami akong magandang karanasan sa ating bayan na hindi ko malilimutan.
Thanks, hanggang sa muli T.N.D.80
Gerardo Soberano
|
|
|
Post by Salabadyok on Nov 21, 2008 9:32:11 GMT 8
San Mateo Bayan Ko Mahal Ko
Mga katagang masarap basahain ngunit mahirap gawin o pangatawanang gawin. Ang tanong Gaano mo ba kamahal ang bayan natin? Ano ba ang sakripisyong ginagawa natin para mapabuti ang bayan natin? Madaling sabihin, madaling ipintura at madaling palakihin ang pahayag upang ito ay kitang kita.
Sa mga namumuno, Mayor, konsehal, kapitan at kagawad. Masasabi mo bang hindi kayo nagomit para sa bayan natin? Masasabi mo bang lahat ng inyong ginagawa naayon sa ikabubuti ng mamamayan o ayon sa ikatataba ng bulsa nyo.
Hindi ko matatangap na nakaugalian yung mamorsyento kayo. DIYES KO PO!!!!! Maraming nabubulagan umasenso daw tayo? tumingin kayo sa paligid, ang san mateo ngayon ay lalong lumabo ang ningning dahil nasapawan ng mga katabing bayan. Kung kaya't ang tanging palamuti ng bayan ngayon ay ang litrato sa mga tarpauline. palamuti nga ba? utaNG NA LOOB
Lahat ng di magandang nabanggit sa mga unang nagsulat ay totoo. haggang sa kasalukuyan wala pa ring solusyon ang naipapatupad. Yan ang mga hinain ng mga kababayan natin, na hinain pa kahit na dati. suma total wala paring makabuluhang o concretong programa. o San Mateo Bayan Ko Mahal ko nga ba?
|
|
|
Post by hirolionheart on Nov 21, 2008 11:10:37 GMT 8
San Mateo Bayan Ko Mahal Ko Mga katagang masarap basahain ngunit mahirap gawin o pangatawanang gawin. Ang tanong Gaano mo ba kamahal ang bayan natin? Ano ba ang sakripisyong ginagawa natin para mapabuti ang bayan natin? Madaling sabihin, madaling ipintura at madaling palakihin ang pahayag upang ito ay kitang kita. Sa mga namumuno, Mayor, konsehal, kapitan at kagawad. Masasabi mo bang hindi kayo nagomit para sa bayan natin? Masasabi mo bang lahat ng inyong ginagawa naayon sa ikabubuti ng mamamayan o ayon sa ikatataba ng bulsa nyo. Hindi ko matatangap na nakaugalian yung mamorsyento kayo. DIYES KO PO!!!!! Maraming nabubulagan umasenso daw tayo? tumingin kayo sa paligid, ang san mateo ngayon ay lalong lumabo ang ningning dahil nasapawan ng mga katabing bayan. Kung kaya't ang tanging palamuti ng bayan ngayon ay ang litrato sa mga tarpauline. palamuti nga ba? utaNG NA LOOB Lahat ng di magandang nabanggit sa mga unang nagsulat ay totoo. haggang sa kasalukuyan wala pa ring solusyon ang naipapatupad. Yan ang mga hinain ng mga kababayan natin, na hinain pa kahit na dati. suma total wala paring makabuluhang o concretong programa. o San Mateo Bayan Ko Mahal ko nga ba? Yup, oo nga, hindi ako natutuwa dun sa pauso nilang San Mateo Bayan Ko Mahal Ko... Hindi naman kasi pinangangatawanan ng karamihan... Sayang lang ang perang ginamit dito kasama yung pagpinta ng light blue sa major thoroughways... imbes na ginamit na lang sa mga mas makabuluhang proyekto... Tama, masyado na tayong napag-iiwanan... Kinakain na ang San Mateo ng karatig-bayan nito at mga lungsod... Hindi tayo makausad dahil yung matagal ng mga problema, hindi pa lubusang nasosolusyunan... Kaya masyadong mabagal at mahina ang pag-unlad
|
|
Tambay Ng Dekada Otsenta
Guest
|
Post by Tambay Ng Dekada Otsenta on Nov 24, 2008 2:52:46 GMT 8
Maraming salamat Tambay Ng Dekada Otsenta: sa pagsagot mo sa aking tanong. Tungkol naman kay Mr. Batalla ay matagal na akong walang naririnig na balita. Tama ka T.N.D.80, ang higpit nga niya natatandaan ko pa nuong security guard pa lang siya ay naku! napakahigpit at rinig ko ay napaka-strict na teacher (hindi ko kasi siya naging teacher) kasi nasipa ako sa D.A.H.S. May tanong ako sa iyo natatandaan mo pa ba si Miss Arcilla yoong teacher ng social studies nakakatawa iyong monicker niya regarding her cheeks (ayokong isulat dito at baka balibagin ako noon ng demanda). siya yuong galit na galit sa akin ewan ko ba kung bakit? mabait naman ako he he heh. pakibalitan mo naman ako tungkol sa kaniya at kay Mrs. Vicente na kahit na strict ay hindi naman ako binigyan ng bagsak na marka Si Miss Josef na teacher ng Pilipino na pag hindi ka nakagawa ng homework ay hihiyain ka na iba-baba ang zipper mo sa harap ng klase, hindi niya rin ako ibi-nagsak. tungkol naman kay Pepot at Berto ay hindi ko kilala ang mga taong iyon kasi ako ay taga Maly. Iyon namang may-ari ng Candle Light ay dati kong kaklase, iyong kambal ang pangalan ay Ariel. Marami akong magandang karanasan sa ating bayan na hindi ko malilimutan.
Thanks, hanggang sa muli T.N.D.80
Gerardo Soberano Si Ms Arcilla na naging De Leon (aka puson)? ... oopsss joke lang po ma'am... wag nyo ko batuhin ng chalk o pingutin sa patilya... hehehe! Yun lang ang huling alam ko. Ano ba yung favorite words nya... "Stupid" ba yon... di ko matandaan. walang demandahan po ha LOL! Reminiscing lang. Si Bb. Josef naging Enriquez yata. Si Mrs Vicente na isa pang strict wala rin akong balita. Pero for sure, yung mga galing DAHS dyan nung 70's & 80's, at early 90's yata (wala na ko sa DAHS noon), kilala nyo si Mr. Paguio (guard) na may sariling condo unit sa 4th storey, old bldg. ng Doña, ilalim ng hagdan LOL! "No ID, No Entry... I-pin nyo" (sabay labas ng ngipin ko)... pasok ako kahit walang ID. "No ID, No Entry"... gwapo ka ba? ok pasok! again... walang demandahan po ha LOL! Reminiscing lang. Si Mr. Cruz, english literature teacher, na isa ring pundasyon kung tawagin sa Doña, kumusta na. Huling balita ko naging principal ng pang-gabi. Retired na kaya mamush? again & again... walang demandahan po ha LOL! Reminiscing lang. - 80's music rulz!
|
|
|
Post by Gerardo S Soberano on Nov 24, 2008 20:00:32 GMT 8
To T.N.D. 80
Oo natatandaan ko nga iyong condo ni Mr. Paguio noong security pa siya. Nami-miss ko iyong sa malamig na tig-be-bente singko at pansit luglog at spaghetting tig-sisingkuwenta sa canteen na nakalagay na aming kina-kain sa lilim ng puno ng limon sa may nursery sa plastic na plato na pagkatapos ay i-iwanan na lang sa isang tabi. Pag umu-ulan naman ay magpa-padausdos ka, ilang beses na akong umuwi na puro putik ang pantalon ko. ang pamasaheng bente singko sentimos sa mga estudiyante. may natatandaan akong kaklase na taga Plaza ang pangalan ay Domingo "BUNE" Santos. siga-siga iyan sa klase namin. Si Apu na star soccer player ng D.A.H.S. Iyon pa rin ba ang kulay ng matandang gusali ng D.A.H.S aqua green? marami pa akong gustong itanong sa iyo T.N.D.80.
Napakasarap mag-reminisce ng maga-gandang nakaraan.
Maraming salamat muli sa pag-tugon mo sa aking mga katanungan T.N.D. 80
Gerardo S. Soberano
|
|
|
Post by psyche on May 16, 2009 20:28:12 GMT 8
San Mateo Rizal has been my hometown since the 1990s, and I must say little has been improved since then. The painted blue walls are untidy, and it's irritating to see politicians' faces all over the crowded sidewalks, and even in our own barangay IDs. Slums infiltrate the peripheral of the town while the glaring mall-like town hall stood proudly in the center.
I recently made a transaction with our barangay and voila, took me three days past my deadline to get it done because of the broken computer and slow processing of documents. The reason for which, says a bureaucrat I interviewed, is the lack of revenue. I'm not sure about the rest of you, but this slow process of growth in our barangay disturbs me. I hope our officials won't turn a deaf ear into this.
|
|