|
Post by dreddurius on Dec 7, 2010 16:59:27 GMT 8
Mga kapatid may patugtog tayo sa pyesta ng Sto. Nino . Eto ang mga detalye:
JAMFESTA ("Battle of the Bands")
January 8, 2011, 8pm Venue: Sto. Nino covered court
Inaanyayahan ko ang lahat ng mga musikero ng Sto. Nino. Magpakitang-gilas na tayo sa pyesta natin. Pwede kayong maghatak ng kabanda nyo na hindi tiga Sto. Nino, ang importante ay merong isang representative sa atin.
Paki-post po dito sa thread na ito ang pangalan ng banda nyo para mailagay na namin kayo sa tentative list ng participants. Magkakaroon ng meeting sa parish office ng Sto. Nino once na ma finalize na natin ang mga sasali para huwag magkapare-pareho ng kanta.
Php 3,000 Cash prize para sa mananalong banda at may Php 2,000 special cash prize/recognition para sa BEST ORIGINAL SONG.
Participation fee: Php300 (pero tandaan natin, kung nakakabili tayo ng isang case ng Red Horse o kaya pang-kalahating araw ng DOTA kaya nating sumali dito hehe)
Entrance fee: LIBRE para sa lahat ng manonood
Contact details: Mike Peralta 423-7839 (11am-5pm) 0927 435 49 23
Pakikalat na ang balita mga kapatid. Mas marami mas rakenrol!
Maligayang araw at magtono po tayong lahat ♥
|
|